advertisement
Filtered By: Newstv
NewsTV

Follow That Star: Lilia Cuntapay, "Queen of Philippine Horror Movies"


FOLLOW THAT STAR: LILIA CUNTAPAY
Date of Airing: November 2, 2013

 

Siya na marahil ang pinakasikat at pinakanakakatakot na ekstra sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino. Nabansagan pa nga siya na “Queen of Philippine Horror Movies” sa dami ng papel na ginampanan niya bilang aswang, white lady, at iba’t iba pang nakakatakot na karakter.  

Sa edad na 77, siya na nga ang 'mukha ng horror' pero bago raw niya pinasok ang pag-aartista, dating government employee si Lilia. Pero dahil maliit ang sweldo, sinubukan niyang maging public school teacher sa Tuguegarao. At dala na rin ng pagiging malayo niya sa kaniyang pamilya at sa hindi rin daw kalakihang suweldo bilang teacher, napilitan siyang bumalik ng Maynila.

Sa tulong ng kaibigan na ume-ekstra sa pelikula, nakapasok si Lilia bilang talent coordinator. Sa taping ng pelikulang Aswang, na-discover ni Direk Peque Gallaga si Lilia. Napansin niya raw na kakaiba ang hitsura ni Lilia—mahaba ang buhok at nakakatakot ang mukha—bagay na bagay raw sa papel na aswang.

Simula noon, namayagpag na si Lilia sa mundo ng katatakutan. Sa katunayan, bumida pa siya sa sarili niyang pelikula, ang Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay, na tungkol sa kaniyang buhay at naging karanasan sa showbiz.
 

Sino nga ba si Lilia Cuntapay sa totoong buhay? Minumulto rin kaya siya?  Ngayong Sabado, muling mapapanood sa Follow That Star ang buhay sa harap at likod ng kamera ng reyna ng mga katatakutan. Tuwing araw ng patay, buhay na buhay ang career ni Aling Lilia kaya huwag palalampasin sa Nobyembre 2, ika-walo ng gabi sa GMA News TV.
LOADING CONTENT