ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Follow That Star: Sundan ang buhay at career ni Venus Raj


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Date of Airing: November 9, 2013


 
Tatlong taon mula nang manalo siya bilang 4th runner-up sa Miss Universe, kumusta na si Venus Raj? Ngayong Sabado sa Follow That Star, alamin kung ano ang bago sa buhay ng  beauty queen.
 
Pinasok niya ang mundo ng show business nang siya ay nagwagi sa Miss Universe noong taong 2010.  Simula noon ay sumikat na rin siya bilang isang TV host, commercial model, at aktres.
 
Lumaki si Venus sa Bato, Camarines Sur kung saan walang kuryente at gawa lang sa nipa, pawid, at kawayan ang kanilang bahay.
 
“Lagi kong sinasabi sa sarili ko na kapag nagkaroon ako ng trabaho, gusto kong magkaroon ng sementadong bahay ang nanay ko,” ito ang pangako ni Venus na natupad na niya ngayon, dahil isang bungalow ang kaniyang ipinatayo para sa kaniyang ina.


 
Sa unang pagkakataon, ipakikita ni Venus ang bunga ng kaniyang mga pinaghirapan.  Bukod sa bagong bahay sa probinsya, nakabili na rin ng bagong condominium unit si Venus sa Maynila.
 
“Napakabait ng anak kong iyan dahil napalaki ko siya sa magandang pag-uugali. Nagpapasalamat ako na dahil sa kanya, hindi na ako ngayon nangungutang,” pahayag ni Ester Bayonito, ang ina ni Venus.  Hindi naiwasang maiyak ng kaniyang nanay dahil sa tinatamasang tagumpay ngayon ng anak.
 
Abangan ang inspiring na kwento ni Venus Raj ngayong Sabado sa Follow That Star,  ika-walo ng gabi sa GMA News TV.
Tags: prpost