ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Sundan ang buhay-pamilya ng Team Kramer sa 'Follow That Star'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
FOLLOW THAT STAR
Doug and Cheska Kramer (TEAM KRAMER)


Date of Airing: 
December    7, 2013     (1st part)
December  14, 2013     (2nd part)


 
Patok na patok ngayon sa social media ang Team Kramer. Binubuo ito ng
cute na cute na pamilya ng aktres na si Cheska Garcia at ng basketbolistang si Doug Kramer. Marami ang naaaliw sa mga hirit at kakulitan ng kanilang tatlong chikiting na sina Kendra, Scarlet, at Gavin.
 
Dahil na rin sa kanilang cute na videos at photos, umaabot na sa mahigit 400,000 ang likes na nakuha nila sa kanilang Facebook fan page. Marami rin ang nagre-request na bigyan na sila ng sariling reality show, kaya naman hindi pinalampas ng Follow that Star na sundan ang kuwelang pamilya.
 


Silipin ang kanilang bahay mula sa playroom, entertainment room, kitchen, dining area, at ang kanilang olympic -inspired pool.
 
Abangan ang nakatutuwang mga eksena ng magkakapatid lalo na ang hirap sa pananagalog ng apat na taong gulang na si Kendra at ang laging NR o no reaction na personalidad ng 10 month-old na si Gavin. Invited din ang Follow That Star sa bonggang  2nd birthday party ni Scarlett.
 


Dahil sa kasikatan ng buong pamilya ngayon, kaliwa’t kanan na ang kanilang endorsements. Ano kaya ang sikreto ng kakaibang teamwork ng mag-asawang Doug at Cheska?  Huwag palalampasin ang masayang   two-part episode ng Team Kramer sa December 7 at 14 sa Follow That Star, ika-walo ng gabi sa GMA News TV.