ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Refreshing summer recipes on 'Good News' 


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Good News
Airing Date: March 31, 201
3

Narito ang mga dapat abangan sa "Good News" ngayong Linggo (Marso 31), 8:00 PM sa GMA News TV Channel 11:

SINGKAMAS SPECIALTIES
Ang malutong na singkamas, hindi lang pang-merienda dahil swak din itong pang-ulam. Pasukin ang Good News kitchen para alamin ang singkamas specialties na patok sa bulsa't panlasa.  

COOL POOLS
Ihanda na ang mga swimsuit dahil iisa-isahin natin ang mga swimming pool na hindi lang madali puntahan…sa bulsa, sila rin ay magaan! 

HOME SPA
Kapag pagod at stressed out, sa spa tayo pumupunta. Pero ang pangangalaga sa sarili at pag-relax, pwede nang maranasan sa mas murang halaga. ’Yan ang ituturo ni Love Anover---- paano nga ba uumpishan ang sariling home spa? 

CLAY TIME
Kung naghahanap ng instant negosyo, subukang pasukin ang paggawa ng kakaibang fashion accessories na gawa sa clay. Madali itong simulan at murang-mura ang puhunan. 

SWEATER SA SUMMER
Ang sweater, hindi lang panlamig. Uso na rin daw ito ngayong summer?! Alamin ang mga paraan ng pagsuot nito ngayong tag-init.