ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Low-fat food at best bicho-bicho, muling ihahain sa 'Good News'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Low-fat Food
Hindi na kailangang magpigil sa pagkain para maging slim!  Ang sikreto...mga sangkap na hindi lang masarap, pero  nakakabawas din umano ng taba. Ang hinahanap-hanap na fat-burning protina, matatagpuan sa malinamnam na Lemon-Pepper Tilapia. Habang ang mga complex carbohydrates namang madaling makabusog, matitikman sa isang kakaibang pasta dish na binibidahan ng kalabasa.
 
Feel na Feel ang Onion Peel
Mula pampa-beauty hanggang pampagaling ng karamdaman, ang balat ng sibuyas, subok nang number one!  Kasama ni Love Anover, aalamin natin kung paano nito binibigyang lunas ang mga perwisyo sa buhay gaya ng balakubak, pamumulikat at mga lamok!
 
Natural Fashion
Ang pagiging eco-friendly, ngayo'y very trendy! Alamin ang sari-saring mga materyal mula kay Mother Nature na nagbibigay buhay sa ating mga pananamit--gaya ng atsuete na ginagamit na pangkulay sa tela, at mga kaliskis ng janitor fish na ginagawang sapatos!
 
The Best Bicho-Bicho
Ang bicho-bicho na isang classic na merienda, binigyan ng twist na kakaiba.  Lasapin ang sweet snack made even sweeter with yema, at ng mga kakaibang flavor gaya ng Buttermilk at Chocolate.  Pero ang dessert na 'to, ginawa namang ulam ng isang Chinese resto! Tikman ang bicho-bichong sinangkapan ng beef at seafood!
 
Invisible Samaritans
Ang mga inabandona ng mga mahal nila sa buhay, may bagong pag-asang natagpuan sa mga bahay-kalinga.  Pero ang mga institusyong ito, nakasalalay sa mga donasyon mula sa mga nagmamalasakit.  Ang iba sa kanila, hindi nagpapakilala dahil para sa mga invisible samaritan na 'to, ang mahalaga ay nakatulong sila sa iba.
Tags: plug