Patok na fashion trends ngayong 2014, alamin sa 'Good News'
AIRING DATE: January 19, 2014
AIRING TIME: 7:15 PM
2014 Fashion
Ang usong fashion ngayong bagong taon, pwedeng manggaling sa mga pumatok na damit noong nakaraang taon! Sabayan natin ang ating fashion expert sa pagbibigay ng mga stylish makeover sa mga lumang damit. Hindi lang kayo mabibigyan ng bagyong bihis, mababawasan pa ang inyong gastos!
Cookie Butter Cookfest!
Ang pinakapatok na palaman n'ung 2013--walang iba kungdi ang cookie butter. Kaya naman gamit ang sangkap na 'to, lumikha tayo ng menu na swak pang-salubong sa new year. Tuturuan din namin kayo kung paano gumawa ng homemade cookie butter na kasingsarap ng mabibili sa tindahan, pero hindi kasingmahal!
Torpe Tips!
Ang pagkamahiyain ng isang teen-ager, bibigyang solusyon ng mga epektibo at konkretong paraan. Mula sa simpleng pagngiti sa sarili sa harap ng salamin, hanggang sa pagtataya sa pakikipagkaibigan, siguradong ang pagiging torpe, hindi na poproblemahin ng inyong chikiting!
Sawa Na sa Shawarma?
Kung sa shawarma, kayo'y sawang-sawa na, pwes, dapat n'yong samahan si Good News Girl Bea Binene sa pagdiskubre ng mga shawarma hotspot na may mga menu na kakaiba. Siguradong mapapaibig kayo muli sa pagkaing ito kapag hinainan kayo ng healthy shawarma salad, shawarma pizza, at ng sisig shawarma!
Libreng Sakay!
Sa panahon ngayon, good news ang mga bagay na libre. Kaya naman ang alok ng isang jeepney driver sa kaniyang mga pasahero, libreng pamasahe para sa kanilang biyahe! Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga tao? Alamin kung pasasalamat o pagdududa ang kanilang isusukli sa surpresang ito.