ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Metabolism-booster recipes on 'Good News'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
AIRING DATE: February 2, 2014
AIRING TIME: 7:15 PM

Metabolismo Mismo!



Para sa mabuting kalusugan, mahalaga ang pagkakaroon ng wastong metabolismo.  Kaya naman inalam namin ang mga pagkaing nagpapabilis ng metabolism. Bukod pa riyan, ihinain din namin ang mga recipe ng siksik sa mga metabolism-booster na guaranteed pampa-healthy!

Ang Tunay na Kayamanan

Para malaman kung gaano kahalaga ang kalusugan para sa ating mga kababayan, nagtayo ang Good News ng isang libreng medical checkup booth. Ang good news, dinagsa ito ng health-conscious nating mga kapuso. Alamin ang kanilang dahilan ng pagpapahalaga sa kanilang kalusugan.

Healthy Kids?

Ang mga chikiting na bigatin, healthy kung ituring pero sa totoo lang, puwede rin silang maging malnourished. Kaya naman ang misyon ng Good News, bigyan ng tamang nutrisyon ang isang batang sobra-sobra ang timbang. Alamin ang mga easy-to-follow tip ng isang nutrionist para mapabuti ang kaniyang kalusugan.

Veggie Good!

Ang mga gulay na madali lang tumubo sa mga bakuran, bibida sa mga putaheng nakakabuti sa kalusugan. Siguradong bubusugin kayo ng Chinese Fried Rice na hinaluan ng alugbati't ampalaya, at ng mga healthy merienda gaya ng nacho dip na hinaluan ng talbos ng kamote, at ng kangkong na ginawang fries! Hindi lang sarap, kungdi pati na rin sustansiya ang bubulaga sa inyo ngayong Linggo!

#Healthy2014

Ngayong pagpasok ng bagong taon, trending sa internet ang healthy living! Ating alamin ang mga negosyong online na mabuti sa  kalusugan--mula sa mga healthy inumin at pagkain hanggang sa isang programang hindi lang nagbebenta ng sustansiya; nakakatulong pa ito sa mga magsasaka!
Tags: plug