ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Langka-licious recipes and water workout on 'Good News'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

AIRING DATE: May 5, 2014
AIRING TIME: 8:00 p.m. after Mars

Langka-licious Recipes!



Ang langka, hindi lang sa mundo ng panghimagas umaariba. Gamit ang langkang hilaw, makakalikha ng mga putaheng ulam na sa linamnam nag-uumapaw. Lasapin ang sarap at nutrisyong ng Langka Carnitas, Langka Curry at Stir-fried Langka!

Beach Break

Hindi lang paglalangoy ang pwedeng gawin sa beach. Pumili lang sa mga fun activity gaya ng horseback riding, wakeboarding at arts and craft!
 
Water Workout

Hindi na kailangang matunaw sa init kapag nag-e-exercise ngayong summer. Sa mga water workout na aming nadiskubre, pwedeng pagsabayin ang pagbababad sa pool at pagtutunaw ng taba. Alamin kung paano gawing beach-ready ang katawan sa mga refreshing na paraan.
 
Phone Fun


Ang cellphone case, hindi lang nagbibigay proteksyon sa telepono, pinapabongga pa nito ang hitsura ng ating mga gadget. Gamit ang mga simpleng materyales gaya ng markers, nail polish at beads, pwedeng pagandahin ang mga cellphone para maging personalized ang dating nito!
 
Cool It Down

Para labanan ang matinding init, hatid namin ang mga pampalamig na may kakaibang mga gimik. Karaniwan na ang halo-halo pero kapag ginawa itong flavor ng milk tea, sigurado na ang panlasa n'yo makikiliti. 'Yan at iba pang unique summer coolers ang ating titikman.