ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Mga homemade na panglinis ng tahanan, tampok sa 'Good News'
Amazing Avocado
Iba't iba man ang hugis at laki ng avocado, ang sustansiya ng prutas na ito, walang kaparis! Alam n'yo ba na mas marami pa itong potassium kaysa saging? Samahan pa ng healthy fats at protina, talaga namang nakakaenganyong pag-eksperimentuhan ito sa kusina! Tikman ang aming amazing avocado recipes gaya ng Avocado Cream Cheese Roll-ups at ang Avocadog--ang avocado and hotdog in one!


Juice it up!


Juice it up!
Para sa mga hirap kumain ng prutas at gulay, ang ihahain naming solusyon ay ang juicing! At para makuha ang maximum benefits ng juicing, aalamin namin ang mga winner combo ng mga sangkap para sa ikabubuti ng inyong kalusugan! Ituturo namin kung paano gawin ang iba't ibang D-I-Y juice na energy-boosting, pang-stress relief, at pampababa ng blood sugar level!
Damit ni Lola Makeover!
Damit ni Lola Makeover!
Ang mga damit ni lola sa baul, muling ilabas para sa isang modernong makeover. At ang kakailanganin lang na materyales, mga gamit pantahi at ang tinatago n'yong creativity! Ang daster ni lola na maluwag, pwedeng gawing fitted maxi dress, habang ang long-sleeved dress na malakas maka-manang, gagawin nating stylish tube dress na swak sa rampahan.








Bayaning Balut Vendor
Si Adriano na isang balut vendor, gabi-gabing sumasabak sa peligro para mabigyan ng kinabukasan ng anak. Pero ang paraan ng paghahanap-buhay niya na mismo ang nagbibigay sakit sa kaniyang katawan. Kilalanin natin ang modernong bayani na ito na sa gitna ng lumalalang glaucoma, ay patuloy pa rin ang pakikipagsapalaran para sa kapakanan ng pamilya.




All-Natural Home Detox!
Ang mga nabibiling panlinis ng bahay, hindi lang masakit sa bulsa, maaaring makasama rin sila sa kalusugan ng pamilya. Kaya ang aming epektibo pero banayad na solusyon--home-cleaning agents na pwedeng kayo mismo ang gumawa. At ang karamihan ng mga sangkap nito, matatagpuan sa kusina! Alamin kung paano gawin ang air freshener mula sa orange peel, disinfectant na gawa sa suka, at furniture polish na gawa sa calamansi!


More Videos
Most Popular