Filtered By: Newstv
NewsTV

Iba't ibang luto ng lechon, ihahain ng 'Good News'


Matamis na Business!

Dumayo kami sa isang barangay sa Quezon City, kung saan hinaing ng mga mommy ang pagiging kapos sa cash. Sa tulong ng mga bitbit naming mga chef, tinuruan namin sila kung paano gumawa ng mga simpleng dessert na siguradong patok ngayong Pasko. Sa ganitong paraan, ang ating mga mommy, may bago nang pagkakaabalahan at pagkakakitaan!

 

 

Lechon!

Dahil paborito nating mga Pinoy ang lechon, inalam namin ang iba't ibang luto nito! Tumungo kami sa Batangas kung saan isang special lechong may special sauce ang pinagkakaguluhan.  Sa isang restaurant naman, ang Spicy Lechon Ribs and Boneless Lechon ang binabalik-balikan. Pero kung gusto niyo ng homemade dish, dapat matutunan ang paggawa ng Chinese Lechon recipe!

 



Smile pa More!

Alam n'yo ba na ang pagngiti, hindi lang nakakadagdag sa beauty, nakakatulong din ito sa ating kalusugan? Para ipalaganap ang good vibes, sinubukan namin ang teorya na nakakahawa raw ang mga ngiti't tawa. Silipin ang mga nakakatuwang reaksyon na nahuli ng aming hidden cam! Namigay rin kami ng mga sulat na nakakagaan ng kalooban sa mga nasalubong

 
Tags: pr, lechon