Mga beach na malapit sa Metro Manila, bibisitahin ng 'Good News'
Lunes, May 23, 2016
8 PM on GMA News TV
Unique Pampalamig!
_2016_05_23_12_41_47.jpg)
Gawing memorable ang tag-init sa pamamagitan ng pagtikim ng mga unique pampalamig. Ang frozen yogurt na natikman namin, siksik daw sa sustansiya dahil sinangkapan ito ng uling! Pagdating sa ice cream, 'wag magulat sa kulay itim na kulay ng isang aming nadiskubre dahil may halo daw itong squid ink. Kung mahilig kayo sa maasim, tikman ang ice cream na may suka! Siguradong hindi mababagot ang inyong panlasa sa unique flavors na 'to.
Kusina Kaalaman
_2016_05_23_12_42_13.jpg)
Dahil batid namin kung gaano kahalaga ang oras ng mga busy mommy, inipon namin ang mga kitchen hack na magpapadali sa ilan sa inyong mga gawain sa bahay. Mula sa pag-iimbak ng mga gulay, hanggang sa pagpapatalas ng mapurol na kutsilyo at pagtatanggal ng madikit na grasa, meron kaming easy-to-follow tips! Sa ganitong paraan, madadagdagan ang me-time at baby-time ni mommy!
Pampa-Beauty Home Remedies!

Tuwing summer, madalas na hinaing ang panunuyo ng balat. Kaya imbis na hayaan naming mabutas ang inyong bulsa sa mamahaling beauty products, hatid namin ang mga home remedy para lumabas ang inyong natural beauty! Sa dry and brittle hair, rekomendado namin ang homemade shampoo na gawa sa baking soda. Ang nagbibitak-bitak na mga labi, makakatagpo ng ginhawa sa pipino. Dry and dull skin? Ilabas na ang patatas! Alamin ang step-by-step process ng paggawa ng mga D-I-Y beauty products!
Beaches near the metro!

Para masulit ang oras ngayong bakasyon, inilista namin ang mga beach na malalapit lang sa Maynila. Sa Bataan, nadiskubre namin, hindi lang ang isang mahanging beach, kungdi pati na rin ang mga heritage house na bahagi ng mayaman nating kasaysayan. Sa Batangas, merong dagat na sa sobrang linis, makikita mo na ang mga isda mula sa ibabaw! Kung pakikipagkaibigan ang pakay mo, may beach resort sa Zambales na perfect for socialization.