ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Upside-down museum at Wizards' gallery, papasyalan sa 'Good News'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pista para sa Mata!
Mas masarap daw ang kainan kung makulay ang mga pagkaing nakahanda. Kaya naglibot kami para tikman ang mga dessert na pupukaw sa inyong paningin at panlasa. Mula Taiwan, patok ang ice cream na binalutan ng lumpia wrapper. Galing naman sa Hong Kong ang jelly dessert na mukhang noodles! Bibida rin ang makukulay na version ng marshmallows at cotton candy na siguradong hit sa mga chikiting.


Paperclip Projects!
Ang paperclip, 'di lang sa office bumibida! Sa pamamagitan ng mga craft projects, patutunayan natin na pwede itong gawing kikay accessories gaya ng kuwintas at bracelet, at mga kapaki-pakinabang na gamit tulad ng cellphone holder, ref magnets at bookmark! At ang karagdagang good news: madali lang gawin ang lahat nang ito!


Batangas Bogchi
Hindi lang sa balisong, tapa at kape kilala ang Batangas. Meron din itong mga tradisyonal na pagkaing pumupukaw sa panlasa ng mga turista't lokal simula pa noong unang panahon. Tikman ang Tinindag na ginagamitan ng pisngi, tainga, dila at puso ng baboy! Siguradong patok din sa panlasa ang goto version nila na walang kanin, at nag-uumapaw sa linamnam. Ang binurong santol at mangga naman nila, masarap i-partner sa kainan.


Stress-Free Pasyalan!
Dahil pagod na tayo mula Lunes hanggang Biyernes, dapat ang weekend bakasyon, stress-free!  Inalam namin ang mga bagong pasyalan sa metro na madali lang puntahan at swak pa sa budget. Silipin ang isang upside-down museum kung saan masayang magpicture taking. Kung gusto n'yo namang umasta nang parang Harry Potter, pasok na sa isang interactive gallery kung saan kailangang kalabanin ang monsters gamit ang inyong magic wand. Mapa-solo flight man o kasama ang barkada't pamilya, siguradong matutunaw ang inyong stress sa masasayang pasyalang ito!


Tags: goodnews