ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Recycled DIY Christmas decor, tampok sa 'Good News'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

DIY CHRISTMAS DÉCOR
Hindi kailangang maubos ang budget n’yo ngayong Pasko sa pagbili lang ng mamahaling Christmas décor. Tuturuan namin kayong gumawa ng mga simple pero panalong mga palamuting pamasko na puwedeng gawin mula sa gamit na makikita lang sa bahay. Nakatipid na kayo, nagamit n’yo pa ang artistic side ninyo!


MEATLESS MEALS
Marami na ngayon ang health-conscious. Kaya naman nauuso na rin ngayon ang mga pagkaing gumagamit ng mga sangkap na puwedeng gawing alternative sa sinful karne. Masustansiya na, mas healthy pa, at totoo nga bang nakakatulong pa sa kalikasan?


BATAAN: BATANES OF THE WEST
Dati, kilala lang ng Bataan sa makasaysayang Bataan Death March na naganap noong World War II. Pero, ang di alam ng marami, magaganda rin ang mga tanawin at destinasyon dito gaya ng dagat, caves, cove, rock formations, rolling hills, at iba pa na lumelevel sa ganda ng mga makikita sa Batanes, kaya nga tinagurian itong ‘Batanes of the West.’


STREET FOODS
Sinong mag-aakala na ang mga humble street food ay may makukulay na kuwento rin? Alamin ang pinagmulan at ang proseso kung paano ginagawa ang ilan sa mga all-time favorite nating pagkaing-kalye gaya ng ‘dirty ice cream,’ kikiam, kwek-kwek, binatog at tokneneng.

Tags: goodnews