Koreanong nagtayo ng libreng noodle house, learning center, kilalanin sa 'Good News'
Good News: Adventures near the Metro, Around the world restos, Lutong Sulit, Recycling sa patapong gamit at Kapusong Panalo
Lunes * March 27, 2017
8PM SA GMA News TV
Larga Espesyal!

Habang ang ilan, nagkakandarapa sa paghahanap ng seat sale ng mga airline, ang say namin: hindi kailangang lumayo para sa bakasyong panalo! Pinuntahan namin ang malalapit na probinsya na pwedeng puntahan by land, kabilang na ang Bulacan, Aurora, Sagada at Laguna. Diskubrehin ang mga tanawin at mga activity na pwedeng gawin sa bawat isa. Sa ganitong paraan, enjoy na ang buong pamilya, nakatipid pa kayo!
Kapusong Panalo!

Paano nasusukat ang tunay na kayamanan? Kilalanin ang mga Kapuso hero na mayaman sa mga kaibigan--gaya ng isang Koreano na nagtayo ng libreng noodle house at tutorial center para sa mga bata. Pagpapakain din nang libre ang layunin ng isang carinderia na itinayo ng isang karaniwang Kapuso. Ang isa namang pintor, ibinebenta ang mga obra para makatulong sa may sakit.
Lutong Sulit!

Maski nagtitipid, pwede pa ring magluto ng masasarap na putahe. Ibibida natin ang kamote na swak isangkap sa mainit na sabaw. Ang patola naman, gagamitin natin sa isang French dish na hindi mo aakalaing lutong-bahay. Pati ang tinapa, pasososyalin natin sa isang Chinese-style dish at bread spread na swak pang-meryenda!
Foodie Pinoys, Unite!

Mga bagong pagkain na bago sa paningin at panlasa ang ating titikman. Mula sa mga rice meal na pinagbibidahan ng sinigang-flavored rice, bibisita rin tayo sa food park na United Nations ang peg. Mula Mexican at Japanese hanggang our very own na Angono cuisine, matatagpuan dito. Kaya naman ang Good News Correspondent nating si Maey Bautista, kinalimutan muna ang pagdidiyeta!
Recycling Queen!

Ngayong malapit na ang bakasyon, ba't di gawing bonding activity with the kids ang recycling projects? Mula sa patapon na garapon, pwedeng gumawa ng glass lamp na magbibigay liwanag sa kuwarto. Ang lumang lata naman ng biskwit, pwedeng gawing table clock. Pati ang lumang bawang, pwede muling itanim. Hindi lang bunga nito ang mapapakinabangan, dahil ang halaman mismo, magpapaaliwalas ng tahanan.
Abangan ang magandang balita ni Vicky Morales ngayong Lunes sa GOOD NEWS, 8pm sa GMA News TV.