ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Tipid fashion tips ngayong 2018, alamin sa 'Good News'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

 

AIRING DATE: January 8, 2018

Sa-wrap and Roll!

Pagkatapos magbalot ng mga regalo, magbalot naman tayo ng pagkain. Pinuntahan ni Maey Bautista ang budget-friendly resto na pinagbibidahan ng Ramen Burrito! Para makatipid, pwedeng-pwedeng magluto ng sariling kakaibang wrapped food--tulad ng healthy lumpia na patok sa kids at adobo na ibinalot sa pancake!

Tipid Fashion for 2018!

Ang mga binili n'yong usong damit noong nakaraang taon, pwede ulit ipanrampa ngayong 2018! Sa tulong ng isang celebrity stylist, aalamin natin kung paano mare-recycle ang dating fashion trends tulad ng oversized shirt, ripped jeans at cardigan para ma-update ang inyong wardrobe!

Pipino kong Mahal!

 

Ang Pipino na pampahupa ng eyebags, epektibo rin sa paghuli ng inyong panlasa. Subukan itong isangkap sa sari-saring putahe tulad ng pasta at mga meryenda gaya ng Pipino Chips at Pipino Garlic Bites. Ang mga ito, ihain na sa pamilya para 'di sila bitin sa sustansiya!

Mga Pasyalang malapit lang!

 

Para sa inyong New Year #TipidGoals, hindi kailangang lumayo ng Maynila para makapasyal nang bongga. Kasama ni Bea Binene, bibisitahin natin ang mountain resort sa Rizal na hindi lang hitik sa kalikasan, pinagbibidahan din 'to ng zipline at paintball arena. Para naman mapasyalan ang sinasabi nilang Little Sagada, sa Rizal pa rin ang punta. Dito, masarap humigop ng mainit na kape habang pinagmamasdan ang mga ulap na nakabalot sa bundok!

Sak-Lola!

 

 

May malasakit ba tayong mga Pinoy sa matatanda? Para alamin ang sagot, kinuntsaba namin ang isang lola para magkunwaring kulang ang pera para sa kinain niya. May tutulong kaya sa kaniya? Ang may ginintuang puso, bibigyan namin ng sopresa!