Mga abot-kayang putaheng pang-graduation, ituturo sa 'Good News'
AIRING DATE: March 19, 2018

D-I-Y Graduation Handa
Hindi kailangang malula sa gastos ng paghahanda para sa pinakamamahal nating graduates. Sa tulong ng isang chef, magluluto tayo ng mga pagkaing may graduation theme, gaya ng Tortilla Diploma, Chicken Pandan at Marshmallow Graduation Caps. Busog na ang buong pamilya't barkada, swak na swak pa sa bulsa ang tema!

Gandang Graduate na!
Sagot na rin ng Good News ang makeup at hairstyle. Sa tulong ng aming mga expert, ituturo namin kung paano bigyan ng bonggang makeover ang inyong graduating na dalaga nang hindi gumagastos. Hanggang sa panalong outfit, sagot namin ang D-I-Y tips!

Pambarkada Servings
Kung mas bet naman ng buong pamilya ang sa labas kumain after ng graduation, siguradong hindi mabubutas ang bulsa sa mga nahanap na chibugan ni Maey B. dahil sa dami at laki ng serving, pwedeng paghatian ng buong barkada. Kaya kung gustong mag-celebrate ng graduation o kahit anong okasyon, punta na sa mga resto na may pambarkadang servings!

Barkada sa Pampanga!
Itodo na ang saya sa isang post-graduation summer trip kasama ang barkada! Samahan si Bea Binene sa mga pasyalan sa Pampanga na swak sa malalaking grupo. Sa isang kabubukas na world-class water park, siguradong hindi matitigil sa pagtili ang adventure seekers. Kung nature trip naman ang hanap, magtampisaw sa refreshing falls. Para sa instagrammable photos, dapat bisitahin ang isang sunflower park!