ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga historical pasyalan, bibisitahin sa 'Good News'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Makasaysayang Pagkain!


Ngayong araw ng kalayaan, ipagdiriwang ni Maey Bautista ang ilang pagkaing naging bahagi ng kasaysayan. Pumunta siya sa iba't ibang probinsya, hindi para mamasyal, pero para tikman ang mga putaheng bumida bago natin nakamit ang kasarinlan. Alamin ang paboritong baon ng mga katipunero habang nakikipagdigmaan. Matututunan din natin kung paano lutuin ang mga ito.

Malaya sa Kalat!


Paano nga ba matatanggal ang kalat sa tahanan? Sa tulong ni Love Añover, aalamin natin kung saan pwedeng ibenta at i-donate ang mga bagay na hindi na ginagamit pero kapaki-pakinabang pa. Sa ganitong paraan, naging maaliwalas na ang inyong bahay, nakatulong ka pa!

Malaya sa Diskriminasyon?


Totoo bang malaya ang bawat Pilipino ngayong Araw ng Kalayaan? Para alamin ang saloobin ng ilan tungkol sa mga kapuso nating transgender, isang eksperimento ang aming isinagawa. Ang kasabwat naming transgender na magkukunwaring gagamit ng palikurang pambabae, aawayin ng isa pa naming kakontsaba. Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga makakakita?

Historical Pasyalan!


Balikan ang nakaraan sa mga pasyalang hitik sa kasaysayan at kultura. Sa Pampanga, bibisitahin natin ang isang lugar na pinagbibidahan ng mga gamit mula sa World War II at local handicraft. Sa Intramuros naman, mamamangha ka sa iba't-ibang produkto ng mga cultural community. Mahilig ka ba sa mga lumang bahay? Bisitahin ang isang ancestral home na ginawang kainan!

Two-in-One Pinoy Favorites!


Sawa na ba kayo sa karaniwang putaheng Pinoy? Pwes, siguradong mabubuhay muli ang inyong panlasa sa two-in-one linamnam ng aming recipes! Tikman ang kakaibang pinagsamang sarap ng dinuguan at pansit. Hindi rin kayo bibiguin ng very crunchy na Tapsilog Lumpia. Pagdating sa dessert, magkakasundo ang ube at biko sa paghahatid ng hinahanap-hanap na tamis.