Mga pagkaing perfect ngayong tag-ulan, susubukan sa ‘Good News’

GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES
Just D-I-Y!

Ang mga akala nating patapong bagay sa tahanan, bigyan ng second chance! Sawa na ba kayo sa luma n'yong pantalon? Imbis na ipamigay, pwede pa 'tong gawing vest na swak ngayong tag-ulan. Pati ang lumang t-shirt, pwedeng mabigyan ng bagong bihis sa kaunting gupit-gupit lang. Kung plano namang mag-outing at walang pambili ng cooler, subukang gumamit ng mga karton at aluminum foil.
Sustansya-rap!

Ang masusustansyang pagkain, abot-kamay lang! Pasok na sa Good News Kusina kung saan matututuhan ang healthy recipes gaya ng Grilled Tilapia with Lemon Butter, Apple Nachos, at Cucumber Salad. Para mapakain ng prutas ang chikiting, ipakikita namin kung paano bihisan ang saging para maging cute na cute na dolphin!
Saklolo sa Estranghero

Totoo nga bang likas na matulungin ang mga Pinoy? Iba't ibang social experiment ang aming isinagawa para masagot ito. Mula sa babaeng naiwan ng bus, hanggang sa isang pipi't bingi na humihingi ng direksyon, alamin kung sino-sino ang tutulong at maglalaan ng oras para sa isang 'di kilalang nangangailangan.
Food Finds!

Samahan si Maey Bautista sa kanyang food trip ngayong tag-ulan! Humigop ng mainit na lugaw nang hindi nabibitin sa toppings dahil refillable ito. Mag a-around the world din ang taste buds natin sa mga pagkaing fusion gaya ng Kimchinigang at Bicol Express Tonkatsu, pati ang Taiwanese dimsum na Xiao Long Bao!