Iba't ibang dragon fruit recipes, ibibida sa 'Good News!'

GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES
Airing Date: July 16, 2018
Champion ang Champorado!
Ang champorado na paborito nating agahan at merienda, lume-level up na sa iba't ibang paraan! Tikman ang suman version nito na pinalamanan ng tuyo. Type mo ba ang ibang kulay ng champorado? Kikiliti sa inyong panlasa ang purple champorado na gawa sa bigas mula pa sa Banaue. Kung mahilig ka sa dessert, huwag ding palampasin ang Champorado Cheesecake topped with dilis!

Cavite Discoveries!
Sa pagbisita ni Kevin Sagra ng boyband na One Up sa Cavite, pinasok niya ang mga liblib na bayan para sa kakaibang adventure. Sa Naic, nakadiskubre siya ng resort na tampok ang mga replica ng sikat na landmarks ng iba't ibang bansa. Sa Maragondon naman, swak ang pagmumuni-muni sa isa pang resort kung saan pwedeng mangisda. Para sa food trip na kakaiba, tikman ang pancit pusit sa isang kainan sa Silang na 1960s pa nagbukas.

Enter the Dragon Fruit!
Ang dragon fruit na may kakaibang hitsura, siksik pala sa sustansya. Ito ang bibida sa Good News kusina sa pamamagitan ng mga recipe na bubusog sa pamilya. Alamin kung paano mapasasarap ang chicken tocino, meatballs, at jelly dessert gamit ang wonder fruit na 'to!

Super Pinoys!
Kilalanin ang mga tunay na superhero na wala mang superpower ay malaki naman ang maitutulong sa mga kapwa-Pinoy gamit ang siyensya at teknolohiya! Sa isang pagtitipon ng mga imbentor, inalam namin ang mga pinakahuling imbensyon na hatid ang good news. Kabilang sa mga ito ang tricycle na pwedeng lumusong sa baha; sensor na makatutulong sa mga biktima ng stroke para makalakad nang maayos; at teknolohiya na makatatala ng mga pinsalang hatid ng sakuna bago pa ito mangyari.

Waterproof Fashion!
Sa dami ng kailangang suotin at bitbitin na pangontra sa ulan, paano na tayo makararampa niyan? Sa tulong ni Love Añover, gagawin nating fashionable ang lumang payong, bota, at kapote. Sa ganitong paraan, protektado ka na sa ulan; IG-worthy pa ang OOTD mo!
