ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Hamon ng Kalikasan: outer space
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa 1998 Hollywood blockbuster na Deep Impact, nalagay sa peligro ang sangkatauhan nang madiskubre ang isang dambuhalang asteroid na maaaring sumalpok sa mundo. Pero sa kabayanihan ng isang grupo ng mga oil driller at geologist, nailigtas ang lahat mula sa tiyak na kapahamakan. Bagamat kathang isip lamang ang kuwentong ito, ang pagbangga sa ating mundo ng isang bagay mula sa outer space ay isang posibilidad na may basehan sa siyensiya. Ayon sa mga eksperto, halos sampung libong bagay na kung tawagin ay “near earth objects” (NEO) ang umaali-aligid sa ating mundo araw-araw. Pero gaano nga ba kapeligroso ang mga ito? Bukod sa asteroids, ano-ano nga ba ang mga bagay at pangyayari sa kalawakan na posibleng maka-apekto rin sa sangkatauhan?
Sa Huwebes, November 8, sisilipin ng ekspertong totoo na si Nathaniel “Mang Tani” Cruz ang kalawakan para unawain ang mga hamon na maaaring magmula rito. Bukod sa mga asteroid, aalamin din ni Mang Tani ang tungkol sa mga meteorite na minsan nang bumagsak sa mundo. Ang iba pa nga na tinatawag na Philippinites at Rizalites, dito mismo sa Pilipinas matatagpuan.
Pati ang tila pagbabagong anyo ng araw at buwan sa tuwing nagkaka-eclipse, pag-uusapan din sa episode na ito. Bukod sa panandaliang pagdilim, mayroon din kayang mas pangmatagalang epekto ang solar o lunar eclipse? Kailan kaya ang susunod na solar at lunar eclipse at makikita kaya ito mula sa Pilipinas?
Alamin ang tungkol sa mga hamon na mula sa kalawakan sa November 8, 10:00-10:30 pm sa GMA News TV.
Tags: pr
More Videos
Most Popular