Filtered By: Newstv
NewsTV

I Juander: Totoo nga ba ang usog?


Pwera “balis”! Pwera “usog”!...   Ito ang kadalasang linya na lagi nating naririnig kapag may matanda na bumabati sa bata.   Ang mga salitang ito raw ang pangontra sa pwersa ng “usog”!   Mapa-probinsya man o dito mismo sa syudad, Marami sa ating mga pinoy ang naniniwala pa rin sa kapangyarihan ng usog.   Kaya I Juander…Totoo nga ba ang usog?  Saan kaya nagmula ang paniniwala natin dito?!   Dumayo ang I Juander sa bayan ng Nueva Ecija…Mayroon daw kasing tao doon na malakas “maka-usog”!   Sa katunayan si Francis,33 taong gulang na tinamaan pa raw  ng matinding kapangyarihan nito. Mula ulo hanggang paa namimilipit daw sya sa sakit dahil nausog daw siya ng isang lola sa Nueva Ecija…   Anong kapangyarihan mayroon ang matanda?!   Samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario kung totoo nga ba ang paniniwala nating mga Pinoy sa usog. Ngayong Lunes na sa GMA News TV 11.