ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

I Juander... Totoo ba ang paniniwala ng Pinoy sa paglilihi? 


I JUANDER: TOTOO NGA BA ANG PANINIWALA NG PINOY SA LIHI? Airing date: February 20, 2012
 
Sa bayan ni Juan lahat daw ng gulay at prutas sa kantang bahay kubo pwedeng paglihian ng mga babaeng nagbubuntis.
 
Mala-reyna silang pinagsisilbihan ng kanilang mga asawa, dahil kung hindi raw masusunod ang layaw nila maaring maging di raw kaaya-aya ang magiging hitsura ng kanilang anak.
 
Kadalasan ang mga pagkaing may magandang katangian ang pinaglilihian tulad ng buko o labanos para raw maging maputi ang kutis ng sanggol…
 
Mayroon din namang mga pagkaing at inuming bawal daw tulad na lang ng kape dahil siguradong magiging maitim daw ang kinalabasan ng iyong anak…
 
Sa darating na Lunes isang lumang paniniwalang Pinoy ang bibigyang kasagutan.
 
I Juander.. Totoo ba ang paniniwala ng Pinoy sa paglilihi?
 
Sa paghahanap namin ng kasagutan nakilala namin ang modelong si Charrie. Puhunan nya raw sa kanyang career ang kanyang mala-porselanang kutis.  Pinaglihi raw kasi sya sa buko!
Kung si Charrie, positibo ang naging epekto ng paglilihi, si Nano naman tila sinumpa dahil sa pinaglihian noon sa kanya. Ang maliit nyang braso at baluktot na paa dahil raw sa paglantak ng kanyang ina sa adobong palaka!
 
Pero nalaman rin ng I Juander na hindi lang pala pagkain ang pwedeng paglihian…
Pwere ka rin daw ipaglihi sa artista?
 
Huwag papalampasin! Ang kasagutan sa tanong ni Juan… I JUANDER: TOTOO NGA BA ANG PANINIWALA NG PINOY SA LIHI? Lunes 10pm sa GMA NewsTV!
Tags: plug