ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
I Juander: Limot na ba ni Juan ang larong Pinoy?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
I JUANDER: LIMOT NA BA NI JUAN ANG LARONG PINOY?
Airing date: March 12, 2012, 10 PM
Kung noon, abala ang mga bata sa pagpapawis sa kalye, ngayon tila wala ka na raw makikitang naglalaro sa ilalim ng sikat ng araw. Karamihan daw kasi sa mga kabataang Pinoy, nakatutok na sa kani-kanilang computer!
Patintero. Piko. Luksong Tinik. Luksong Baka. Sungka.---- Ilan lang ito sa mga larong Pinoy na unti-unti na raw nawawala sa puso ng mga kabataan.
I Juander, Limot na ba ni Juan ang mga Larong Pinoy na ito?
Si Aaron, kulang na lang daw ay magka-degree sa paglalaro ng Plants Vs. Zombies, Fruit Ninja at Temple Run! Pero kung sa larong sungka at dama ang labanan, kayanin kaya niya itong mapagtagumpayan?
Ang mga magkakapatid namang si Tricia, Eight at Seven, kakaiba ang ginagawang pagba-bonding... ang mag-Counter Strike at ang mag-Dota! Pero kung paglalaruin kaya sila sa labas ng bahay ng patintero at tumbang preso, alin kaya ang mas magugustuhan nilang laruin?
Kasali ang lahat sa pagsagot sa tanong ni Juan… “I JUANDER: LIMOT NA BA NI JUAN ANG MGA LARONG PINOY?”… Doon sa dating tagpuan, GMA News TV. Pagbilang kong alas-diyes, tumutok na kayo.. Isa, dalawa, tatlo.. Ang hindi manunuod, talo!
Tags: plug
More Videos
Most Popular