ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
IJuander: UFO at aliens, namataan sa Pilipinas?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
IJUANDER Airing date: May 21, 2012, 10pm I JUANDER: Meron na nga bang bumisitang UFO at aliens sa bayan ni Juan? Natatangi raw ang Earth sa lahat ng planeta, sa walong major planets na matatagpuan sa Milky Way, ito lang daw ang posibleng tirahan upang mabuhay… Pero mayroong 26 na bagong planeta na nadiskubre ang NASA, at ang ilan daw sa mga ito… may pagkakahawig sa ating planeta! Posible nga kayang hindi lang tayo ang nag-iisang may buhay sa kalawakan? I Juander, Meron na nga bang bumisitang UFO at aliens sa bayan ni Juan? Isa si Jess nakakuha ng video sa kanyang cellphone ng parang lumilipad na UFO. Sa pagbabakasyon sa Benguet, isang lumulutang na tila bolang apoy ang nakunan niya sa ibabaw ng strawberry fields. Isa nga ba itong UFO na nag-landing sa Benguet? Isang video rin ng hinihinalang UFO ang nakuhanan naman ni Jyel vocalist ng indie band na “Sensitibo” sa isang pampublikong beach sa Zambales... Pero hindi lang daw ito isang simpleng UFO… Mothership daw ng mga alien?! Kung sa pelikula, uso ang tema ng mga alien na sumasakop sa daigdig.. Para naman kay Luna Ada, mababait daw ang mga ito! Nakakausap at tinutulungan daw s’ya ng mga alien na magpagaling ng mga may karamdaman! Posible nga kayang maging kaibigan ng mga alien ang mga tao? At isang radio news anchor, pormal daw na inimbitahan ng mga alien at isinama pa raw sa spaceship! Ano nga kayang pakay ng mga ito sa kanya? Huwag papalampasin ang out of this world na episode ng I Juander... “I Juander, Meron na nga bang bumisitang UFO at aliens sa bayan ni Juan?” 10 pm sa GMA NewsTV!
Tags: plug
More Videos
Most Popular