ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

I JUANDER: Madali nga bang Initindihin at Pag-aralan ang Wikang Filipino?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

I JUANDER: Madali nga bang Initindihin at Pag-aralan ang Wikang Filipino? Air Date: August 13, 2012 Wikang Filipino, wikang may puso! Tatak Pinoy, ‘yan ang totoo! Hindi kailanman pahuhuli ang bayan ni Juan ‘pag wika ang paguusapan! Dahil kung sa pangkalahatan lang naman, panglabing dalawa ang mga ka-Juander sa may pinakamaraming lengguahe! Sa yaman at ganda kasi ng wikang Filipino, maging ang mga dayuhan talagang ito’y pinagaaralan! Kaya naman mga banyagang nagsasalita at inaaral ang wikang Filipino, patok na patok kahit sa youtube! Proud na parang Pinoy kung magsalita at kumanta gamit ang wikang pambansa! Sinong hindi mapapabungisngis sa isang Taiwanese na dahil sa labis-labis ang pagkagusto sa wikang Filipino, nag-enroll pa sa isang language school para lang aralin ito! Havey na havey din ang isang purong Amerikano na inaral pa talaga ang wikang Filipino para lang mas maintindihan ang kulturang Pinoy! At talaga nga namang love conquers all ang peg ng banyagang si Sean na kumuha pa ng private tutor sa pag-aaral ng wikang Filipino para mas maintindihan ang kanyang kasintahang Pinay! Iba’t-iba man ang dahilan, iisa ang layunin! Kaya naman wikang pamabansa ating pagyamanin! Ngunit kung may mga banyaga na pilit inaaral ang ating wika, may mga ka-Juander na tila mas gustong gumamit ng wikang di sa atin, ang Ingles. Pero sabi nga ng ating pambansang bayani, ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda! Kaya naman ilang social experiments ang aming isinagawa. Mga ka-Juander na hindi rin sanay gamitin ang wikang Filipino laban sa mga banyagang hindi rin matatas dito! Sino ang mananaig? Sino ang mas kakikitaan ng pagmamahal sa wikang pambansa? Pero I Juander, paano nga ba naging wikang pambansa ang wikang Filipino? Sa dinami-daming wika ng bayan ni Juan, bakit ito pa ang napili? Alamin ang lahat ng kasagutan sa I Juander! Samahan sila Susan Enriquez at Cesar Apolinario tuwing Lunes, alas-diyes ng gabi sa GNTV!

Tags: plug