I Juander: Naniniwala pa ba ang modernong Juan sa pamahiin sa pagkain?
I Juander: Naniniwala pa ba ang Modernong Juan sa Pamahiin sa Pagkain? Halos bawat subo ng pagkain ni Juan, tinutumbasan natin ng mga pamahiin. Mula sa kubyertos na nahulog, pagliligpit ng pinggan, pagkasamid habang kumakain hanggang sa mga pagkakakambal ng mga prutas---nilalagyan natin ng kahulugan. Pero I Juander, Naniniwala pa nga ba ang Modernong Juan sa mga pamahiin sa pagkain? Aalamin nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario ang mga kuwento ng ilang Pinoy na lubhang naniniwala sa pamahiin. Si Aling Rosie, tatlo sa kanyang 10 anak nagkaroon ng mga kambal na panganay! Ang dahilan ng pagkakaroon n'ya ng mga kambal na mga apo dahil nga ba sa pagkahilig n'ya sa kambal na saging? Naaksidente naman ang batang si Christian dahil sa hindi pagsunod sa pamahiin. Totoo kayang dahil ito sa hindi pag-ikot ng pinggan ng tiyuhin niya? At bakit nga ba tuwing Biyernes naghahain si Juan ng monggo? Bakit naniniwala tayo na pampahaba ng buhay ang pansit? Lahat nang 'yan aalamin natin sa darating na Lunes! 10pm sa GMA NewsTV!