ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Bakit pinakamahaba at pinakamagastos ang pagdiriwang ng Pasko sa bayan ni Juan?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BAKIT PINAKAMAHABA AT PINAKAMAGASTOS ANG PAGDIRIWANG NG PASKO SA BAYAN NI JUAN? I JUANDER Airing date: December 5, 2012
 Pagtuntong pa lang ng âberâ months, nagsasabit na tayo ng mga makukulay na dekorasyon, nagpapatugtog na tayo ng Christmas songs at namimili na tayo ng panregalo sa ating mga inaanak. At ang pagdiriwang daw natin ng Pasko â hindi nagtatapos sa buwan ng Disyembre kundi sa Enero pa nang sumunod na taon!Â
Â
Kaya naman naturingan tayo ng CNN at ng Guinness Book of World Records na may pinakamahabang selebrasyon ng Pasko sa buong mundo.
Â
At tayo rin daw ang may pinakamagastos... lalo na pagdating sa magagarbong dekorasyon!
Â
Sa isang bahay sa Rizal, libo-libong Christmas lights ang nakakabit. Kaya ang bill nila sa kuryente â halos trumiple! Ang tinagurian namang Casa Santa sa Antipolo â may koleksyon ng Santa Claus na umabot na sa limang milyong Piso ang halaga. At ang TV personality na si Tessa Prieto- Valdez, lalong hindi patatalbog pagdating sa pabonggahan ng Christmas tree!
Â
Pero patutunayan ng mga ka-Juander nating sina Susan at Cesar na hindi kailangang gumastos nang malaki para lang maging makulay ang inyong Pasko. Silip na kung paano nila napaganda ang kani-kanilang mga tahanan sa presyong abot kaya.
Â
Abangan din ang mga online sensations na sina Travis Kraft at ang grupong Boys Overload na makiki-Pasko sa I Juander!
Â
Syempre hindi mawawala ang mahaba at mahal na selebrasyon kung walang ipamimiling pamasko!
Â
I Juander alam nyo ba kung saan ang bagong tiangge na pwede nyong puntahan para mag-Christmas shopping?Â
Â
Ang murang mga panregalo, imbis na sa mall, dito na raw mamili sa one of a kind tiangge â ang car boot sale!
Â
Bibigyan rin namin kayo ng tips para maging mura pero merry ang inyong Christmas Noche Buena!
Â
Abangan ang lahat ng ito sa I Juander ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV para malaman ang sagot sa tanong ni Juan:Â
Â
I Juander: bakit pinakamahaba at pinakamagastos ang pagdiriwang ng Pasko sa bayan ni Juan?
More Videos
Most Popular