ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
I Juander: Paano nga ba maging instant celebrity sa bayan ni Juan?
I JUANDER: PAANO NGA BA MAGING INSTANT CELEBRITY SA BAYAN NI JUAN? I JUANDER Airing date: February 6, 2013
Ang kabataan ngayon, hindi na raw nangangarap maging doktor, pulis, o teacher dahil ang gusto na nila sa kanilang paglaki --- ang maging instant celebrity!
Bukod sa mga artista, mayroon na rin tinatawag ngayong online celebrity o yung mga taong sikat sa iba't-ibang social networking sites gaya nina Kimpoy Feliciano na sumikat sa Youtube dahil sa kanyang mga pickup lines at ang Twitter sensations na sina V-Miguel at Leon Eustaquio at syempre, ang mga online dance group na UNANG nakilala dito sa I Juander - ang Chicser, Down to Mars, Boys Overload, at ang Upgrade.
Abangan ang dance showdown sa pagitan ng Upgrade at ng isang all girl group na sumisikat din ngayon sa internet --- ang Twitter Girls! I Juander, sino sa dalawang grupo ang makatatanggap ng mas maraming likes?
Isang reality artista search din ang isinagawa ng I Juander at ang mananalo - magkakaroon ng pagkakataong lumabas bilang talent sa aming programa!
Pero I Juander, bukod sa mga audition at talent search, paano nga ba maging instant celebrity dito sa bayan ni Juan? Abangan din ang tips ng TV personality na si Tim Yap!
Ito na marahil ang pinaka-star studded episode ng I Juander kaya huwag na huwag palagpasin. Ngayong Miyerkules na, alas otso nang gabi sa GMA News TV!
More Videos
Most Popular