ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

I Juander: Totoo bang may mga kapangyarihang lumalakas tuwing mahal na araw?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ngayong mahal na araw, abot-langit ang pagpapakita ng debosyon ni Juan. Lahat ng pagsasakripisyo, kaliwa’t-kanan mong mamamasdan. Ngunit gaano katotoong sa panahon ding ito nakikipagsabayan sa lakas ng kabutihan ang pwersa ng kasamaan?

Isa raw sa mga nananamantala sa diumano'y pagkamatay ni Hesus sa panahong ito ang mga MAMBABARANG!

Ang kapangyarihan ng mga mambabarang na mas mabagsik pa sa mangkukulam, totoo nga bang mas lumalakas pa kapag Biyernes Santo?
 
At siyempre, kung may kampon ng kadiliman, may pantapat diyan si Juan -- ang mga mananambal at ang mga panlabang anting-anting. Totoo nga kayang lumalakas din sa panahon ng mahal na araw ang mga ito?
 
Pero hindi lang daw barang, kulam at anting-anting ang nagle-level up ng powers. Pati na rin daw ang mga gayuma! May katotohanan kaya ito?

Kung nais mong malaman  kung totoong lumalakas ang ibat ibang kapangyarihan kapag ganitong mahal na araw, panoorin na ang I Juander ngayong Miyerkules sa diretso alas-otso ng GMA News TV-11.