ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'I JUANDER:' Makabayan pa ba si Juan o mas makabayan pa ang mga dayuhan?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
I Juander
Airing Date: June 12, 2013



June 12, 2013--ngayon ang ika-isang daan at labinlimang taon ng pagdiriwang ng ating kalayaan. Kalayaan na ipinaglaban ng mga bayani at mga Pilipinong makabayan. Pero hanggang sa mga rebulto na lang ba nabubuhay ang ating diwang makabayan o baka naman, mas makabayan pa sa atin ang mga dayuhan?





Ang Russian na si Anna, walong buwan pa lang sa Pilipinas pero kabisado na raw ang "Lupang Hinirang!" At kahit na puti man ang kulay niya, pusong Pinoy naman daw siya dahil ang ating sariling wikang Filipino, kanya ring inaaral!

Kilalanin rin ang magbabarkadang half-Pinoy! Ang kanilang mga paandar na videos sa Youtube, nagpapakita ng kanilang mga nakakatuwang karanasan bilang Pinoy! Pero "I Juander," kayanin kaya nila ang mga hanapbuhay sa lansangan at maging proud Filipino pa kaya sila?

Akyatin din natin ang isa sa pinakamataas na monumento ni Jose Rizal sa Nueva Viscaya na ang halaga, umaabot sa humigit-kumulang 400 milyong piso! Ang nagpagawa nito, hindi Pilipino kundi isang banyaga!

Sa paghahanap naman ng I Juander team ng makabayang Juan, nakilala nila ang grupong MUSIKAWAYAN na sumasayaw na raw mula pa noong panahon ng mga Katipunero!

Abangan din ang kwento ng batikang broadcast journalist ng bansa na si Kara David! Alam ba ninyong bawal ang lahat ng imported na produkto sa kanilang bahay noong bata pa siya?

Para naman sa I Juander social experiment, kabisado pa kaya ni Juan ang Lupang Hinirang at Panatang Makabayan? Proud Pinoy pa kaya ang ating mga ka-Juander?

Ngayong araw ng Kalayaan, samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario sa programang nagpapalaya at nagbibigay ng kasagutan sa mga tanong ni Juan! Panoorin ito ngayong Miyerkules, alas-otso ng gabi sa GMA News TV-11!