Filtered By: Newstv
NewsTV

'I Juander:' Naniniwala pa ba sa diwata si Juan?


I Juander: Naniniwala pa ba sa diwata si Juan?
Airing Date: July 17, 2013, 8 PM on News TV-11
 


Sila ang mga nilalang na nagbabantay sa ating kalikasan--mailap sa kabila ng angkin nilang kagandahan.
 
Sa darating na Miyerkules samahan ninyo kami sa "I Juander" para pasukin ang mundo ng mga diwata!
 
Sikat sa kulturang Pilipino dahil sa iba't ibang pelikula at palabas sa telebisyon kung saan sila napanuod at bumida. Gaya ng Ok Ka Fairy Ko noong dekada nobenta at Encantadia noong 2005.
 

Pero ayon sa mga iba't ibang Juan na aming nakausap, hindi lang daw sa pelikula at TV ang mga diwata dahil sa sa totoong buhay, hindi raw malapit sa tao ang mga ito. Katunayan ayaw daw nilang ginagambala ang kanilang tirahan. At kapag sila'y nagalit, buhay daw ang kapalit.
 
Sa Mt. Maculot sa Cuenca, Batangas, ilang mountaineer na raw ang nawala at hindi na muling natagpuan.  Ang mountaineer naman na si Victor, matapos mawala ng dalawang linggo, bangkay na nang siya'y matagpuan!

I Juander, totoo nga kayang may diwatang nangunguha ng tao sa Mt. Maculot? Abangan kung ano ang aming natuklasan sa bundok!
 
Samantalang sa Tayabas, Quezon naman - isang talon daw ang sinasabing binabantayan ng diwata at nagpakita pa ito sa larawan?
 
At mga paraan daw para malaman kung ang isang tao'y isa pala talagang diwata, alamin!
 
Iba't ibang tanong na naman tungkol sa ating kultura at paniniwala ang kailangan bigyan ng kasagutan!
 
Kaya tutok na sa I Juander ngayong Miyerkules, alas otso nang gabi sa GMA News TV at sabay-sabay nating sagutin ang tanong ni Juan: I Juander, naniniwala pa ba si Juan sa mga diwata?