ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
iJuander, gaano ka-importante ang buhok para kay Juan?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sinasabing crowning glory ng mga babae ang kanilang buhok. Pero bukod sa pagiging fashion statement, puwede rin pala itong gamitin sa pagpapahiwatig ng damdamin. Alamin kung paano magpa-cute sa pamamagitan ng hair language!
Para naman sa professional basketball player na si Asi Taulava, nakakadagdag angas daw sa court ang kanyang mohawk hairdo.
Marami ring pamahiin ang mga Pilipino na may kaugnayan sa buhok. Kapag sinuklay nga raw ito ng isandaang beses, mas gaganda raw ang tubo nito. Ang pagtulog naman daw na basa ang buhok, maaaring makabulag. iJuander, may katotohanan kaya sa mga pamahiing ito?!
Eh ang paniniwala na ang kulot ay salot, saan naman kaya nanggaling?!
At alam nyo ba na may malalim na kwento at simbolismo ang buhok sa ating kasaysayan!
Samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario ngayong Miyerkules, alas-8 nang gabi sa GMA News TV at sabay-sabay natin sagutin ang tanong ni Juan:
Sa kasaysayan at sa kasalukuyang panahon, gaano kaimportante ang buhok para kay Juan?!
More Videos
Most Popular