Hindi makalilimutang karanasan ng mga paranormal investigators, tampok sa 'I Juander'
I Juander, ano ang buhay sa likod ng mga taong lumalaban sa mga kampon ng kadiliman?
Sa tuwing may kababalaghan na kailangan imbestigahan, “who you gonna call?” ika nga kundi ang mga tinatawag na paranormal investigator. Gaya ng mga suki sa I Juander na sina Adam Reyes, Jericho Ibanez at Dion Fernandez. Marami na silang mga hinawakang kaso pero bawat isa sa kanila, mayroon daw karanasang hindi nila malilimutan. At ito ang kanilang ikukuwento._2015_10_28_12_35_25_0.jpg)
_2015_10_28_12_35_25_1.jpg)
Mayroon din naman na tila “old school” ang pamamaraan gaya ng albularyong si Mang Gary. Ang madalas nga raw niyang makasagupa --- ang mga mangkukulam. Pero kung masasama-sama kaya sila sa isang lugar na 'di umano'y minumulto, I Juander, pare-pareho kaya ang maging resulta ng kanilang imbestigasyon?_2015_10_28_12_35_25_2.jpg)
At kung duda si Juan na tunay ngang may mga demonyo - ang magpapatotoo raw nito, ang mismong pari na si Jojo Zerrudo. Isa lang siya sa mga kinikilalang exorcist ng Simbahang Katoliko sa bayan ni Juan. At kanyang ikukuwento ang mga nakapangingilabot niyang mga karanasan._2015_10_28_12_35_25_3.jpg)
Samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario na pasukin ang madilim nilang mundo. Abangan yan sa I Juander, ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV.