Pang-international na pasyalan sa bayan ni Juan, tampok sa 'I Juander'

I Juander, bakit patok ang mga pasyalang pang-international sa bayan ni Juan?
Ka-Juander, short ka ba sa budget at oras para makapag-out of the country? Aba'y hindi na kailangan pang magpakalayo-layo. Dahil dito lang sa bayan ni Juan, may mga pasyalan nang pang-international ang peg!
Kung sa bansang Brazil, matatagpuan ang mala-higanteng rebulto ni Kristo, aba'y mayroon din palang kagaya niyan sa tuktok ng isang bundok sa Tarlac. At kung nasa bucket list niyo naman ang makarating sa Holy Land o bansang Israel, bakit hindi na lang puntahan ang Holy Land Theme Park sa Baguio City. Dito makikita ang replica ng iba't ibang mga tauhan at lugar na hango sa Bibliya.
Mga dinosaur na naglalakihan at gumagalaw pa! Yan naman ang high-tech na atraksyon sa isa pang theme park sa Baguio, na hango sa Universal Studios Hollywood sa Amerika.
Yumu-Europe naman ang iba pang mga pasyalan na pinuntahan nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario. Gaya ng Fortune Island sa Batangas, ang mga windmill sa Pililla, Rizal at ang itinuturing na “Switzerland of the South” - ang Crosswinds Village sa Tagaytay.
Kaya huwag nang magpaiwan at tumutok na sa I Juander ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV.