Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga paandar na serye sa bayan ni Juan, tampok sa 'I Juander'


 


I Juander, bakit patok ang mga paandar na serye sa bayan ni Juan?

Kung dati mga teleserye lang sa telebisyon ang sinusubaybayan ni Juan, ngayon may iba't ibang klase ng serye na rin siyang kinahuhumalingan.

Ang love story nina Vince at Kath, literal na nagsimula sa text-text lang. Sila kasi ang mga bidang karakter sa nauuso ngayon na “textserye.” Pero ang tanong ng marami, totoo nga ba ang kanilang kuwento? O kung hindi man, sino ang sumulat nito?

May serye rin na nagsimula lang sa isang simpleng tweet, hanggang sa mag-trending ito gamit ang hashtag “teamamiga.” Tungkol ito sa isang babae na humihingi ng payo sa kanyang dalawang amiga, dahil nakipag siping umano siya sa kanyang ex-husband! Ang hindi nila alam, ni-live tweet pala ng isang babae sa katabing mesa ang kanilang pag-uusap. At ito na nga ang tinawag na --- “tweetserye.”

Sa Sunday noontime variety show naman na Sunday Pinasaya, may pagka-musical ang peg ng pinauuso nilang serye. Kaya nga ang tawag nila rito --- “kantaserye.”  Abangan din ang inihandang kantaserye ng I Juander, na hango sa textserye nina Ken at Cassey.

Huwag palagpasin ang susunod na kabanata sa I Juander. Kaya tutok na ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV.

Tags: ijuander, serye, pr