Iba't ibang hamon na sinubukan nina Cesar Apolinario at Susan Enriquez, balikan sa 'iJuander'
Sa programang I Juander, bukod sa pagsagot sa mga tanong ni Juan, madalas din mapalaban sa iba't ibang mga hamon sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario. At siyempre hindi nila ito inuurungan!
Nariyan ang sumabak sila sa mga iba’t ibang kwentong katatakutan! Ang tinaguriang Pugot Mamu ng Pampanga o ang bersyon nila ng Boogeyman… Nagparamdam daw kay Susan at Cesar sa pamamagitan ng tinatawag na Table Tipping?! Mapagtagumpayan kaya nila ang kanilang takot?
Bukod sa mga kwentong kababalagahan may mga challenge din namang nakakaaliw tulad na lang nang mapalaban sila sa rap battle kasama ang mga hip-hop artista na sina Abra at Shehyee. Pati na sa banatan ng mga pick-up line kasama ang online sensation na si Kimpoy Feliciano. Sino kaya kina Susan at Cesar ang “habey” at “waley”?!
Minsan din silang napasabak sa iba't ibang mga trabaho, gaya ng pagiging zookeeper. I Juander – kayanin kaya nilang magpakain ng buwaya at magpaligo ng tigre?! Maka-boundary naman kaya sina Susan at Cesar --- sa pagiging tricycle driver?!
Pero higit sa ano pa mang hamon na pinagdaanan nina Susan at Cesar, ang hamon sa buhay na sumusubok kina mang Gilbert, Aileen at Nira. Si Mang Gilbert, tila naaagnas na ang kaliwang mukha. Samantalang ang magkapatid na Aileen at Nira, taglay ang sakit na “Harlequin Ichthyosis.” Pero sa kabila nito – nananatili silang mga mukha ng pag-asa.
Balikan ang mga hamong minsang sumubok kina Susan at Cesar dito lang sa 2016 Best Magazine Show ng Catholic Mass Media Awards -- I Juander! Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV!