ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Laya na si Lolo' dokyu special, ngayong Miyerkules sa 'I Juander'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nito lang Marso, nasagot ang matagal nang panalangin ng ilan sa matatandang bilanggo ng New Bilibid Prison. Sa bisa ng Executive Clemency na nilagdaan ng pangulo, sa wakas makakamit na rin nila ang kalayaang kanilang pinagkakaasam. Pero sa kanilang edad at kalagayan, huli na nga ba para sila'y makapagsimulang muli?

 

Isa sa mga nabigyan ng Executive Clemency ang pitumpu't isang gulang na si Lolo Roger. Dalawamapu't apat na taon na siyang nakakulong at noong isang linggo lang, siya'y nakalaya na rin. Ano nga bang buhay ang naghihintay sa kanya sa labas ng rehas na bakal? At mahanap kaya niya ang kapatawarang inaasam mula sa dating kaibigan?


Reclusion Perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo ang sintensya sa walumpu't apat na taong gulang naman na si Lolo Avelino. Pero sa bisa rin ng Executive Clemency, makalalaya na rin siya sa loob ng ilang araw. Habang hinihintay ito, mananatili muna siya sa Minimum Security Camp. Dito, tila kasama niyang pumasan sa sintensya ang asawang si nanay Teresita. Hanggang saan ang kaya niyang isakripisyo para sa asawang bilanggo?


Sa kanilang paglaya, may kinabukasan pa kayang naghihintay para sa mga kagaya nila? At paano nga ba magsisimulang muli ang kani-kanilang pamilya, ngayong laya na si Lolo? Abangan ang espesyal na dokumentaryong ito sa I Juander ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV.