ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Pagbibinyag kina Susan at Cesar sa Sea of Galilee, babalikan sa 'I Juander'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bago tayo magbakasyon at mag-nilay nilay sa nalalapit na holy week, panoorin ngayong miyerkules ang aming paglalakbay sa lugar kung saan ipinanganak si Jesus Christ, sa bansang Israel.


Pinuntahan nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario ang mga lugar sa Israel kung saan sinasabing naganap ang ilang mahahalagang tagpo sa buhay ni Hesus. Kabilang na ang ilog Jordan kung saan Siya bininyagan. Sina Susan at Cesar, hindi na pinalagpas ang pagkakataong magpabinyag din dito!


Pagkatapos, naglayag naman ang I Juander team sa Sea of Galilee kung saan naganap ang marami sa mga himala ni Hesus.

I Juander, ano nga ba ang mga kuwento ng pagmimilagrong ginawa Niya rito?


At pagkatapos mamasyal, magfu-food trip din sina Susan at Cesar sa isang restaurant sa mismong dalampasigan ng Sea of Galilee. Tikman ang sarap ng kanilang best seller na Saint Peter's fish at ang tinatawag nilang Jesus Bread, na sina Susan at Cesar mismo ang magluluto!


Pero siyempre, kumpleto ba naman ang out of the country kung walang shopping? At isa sa mga tindahan na kanilang pinuntahan, pag-aari ng isang Pilipino. Alamin ang kuwento ng kanyang pagtatagumpay sa tinaguriang Lupang Pangako.

Tampok lahat ng 'yan sa I Juander ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV!