Summer playlist ni Juan, patutugtugin sa 'I Juander!'
I JUANDER PLAYLIST
Road trip... summer getaway... o soul searching.
Saan at ano man ang trip ni Juan ngayong tag-init, dapat may baong pampa-good vibes, mga tugtuging tila ba soundtrack ng summer ni Juan.
_2017_04_05_19_04_37.jpg)
_2017_04_05_19_04_53.jpg)
Sino ba naman ang hindi na-e-LSS o Last Song Syndrome sa kantang “Body Talk” ng bandang Jensen and the Flips. Ito nga rin daw bagay na summer song bagong bukas na Inflatable island sa Subic, Zambales.
Sa programang Wowowin noong nakaraang buwan, nagtapat ng feelings si Delfin sa kanyang bestfriend na si Vanessa. Pero si bes, hindi pa raw ready. Gayumpaman ang kanilang pagkakaibigan, mayroon daw theme song - ang kantang “Tadhana” ni Noel Cabangon. At dahil walang iwanan ang pangako nila sa isa't isa, magkasamang susubukan nina Delfin at Vanessa ang kakaibang extreme summer activities sa isang resort sa Laguna.
_2017_04_05_19_05_10.jpg)
_2017_04_05_19_05_26.jpg)
At anong tugtugin naman kaya ang babagay sa summer getaway ng bandang The Juans? Ngayong Miyerkules, hindi lang magro-road trip kundi magsa-sound trip din sina Susan Enriquez at Cesar Apolinaro. Kaya para talagang #summerfeels, ihanda na hindi lang ang outfit kundi pati ang summer playlist.
_2017_04_05_19_05_45.jpg)

Abangan sa I Juander, alas-otso nang gabi sa GMA News TV.
