Filtered By: Newstv
NewsTV

Philippine historical treasures, ibibida sa 'I Juander'


 

May mga yaman na hindi matutumbasan ng anumang halaga. Gaya na lang ng mga yamang nagkukuwento sa nakaraan at pinagmulan ng lahing Pilipino na nahukay mula sa ilalim ng lupa at sinisid mula sa pusod ng karagatan.

 


Sa bayan ng Mulanay, Quezon matatagpuan ang Mt. Kamhantik kung saan sinasabing may engkanto na naninirahan. Ang kanila umanong binabantayan, ang libingan na humigit kumulang isang libong taon na ang tanda. Kung totoong nagmula ang mga Pilipino sa lahing Negrito na hindi katangkaran, bakit ang ilan sa mga libingan nasa anim na talampakan ang haba?

Sa ilalim naman ng Sta. Ana Church sa Maynila, nahukay ang ilang mga buto na mula pa sa ika-labingisang siglo. Nagmula pa raw ito sa Namayan Settlement, ang sinasabing pinakamatandang pamayanan sa Luzon. Pero ano nga ba ang dating kinatitirikan ng nasabing simbahan? Sa pusod naman ng karagatan, masisisid ang ilang mga yaman mula sa mga lumubog na barko noong panahon ng Kastila. Ano kaya ang maikukuwento ng mga ito tungkol sa kasaysayan ni Juan? At may batas bang pumoprotekta sa mga tinatawag na National Cultural Treasure para hindi pag-interesan at pagkakitaan?

Ngayong Miyerkules, samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario sa isang kakaibang treasure hunting. Tumutok sa I Juander ngayong Miyerkules alas-otso nang gabi sa GMA News TV.


There are treasures that are priceless, like the relics that depict the story and origin of Filipinos that was unearthed under land and water.

Mount Kamhantik in Mulanay, Quezon is a place where people believed to be haunted. The fairies are guarding the graves that are more or less one thousand years old.   Experts found graves that are six feet long, proving that there were taller people in the old times than the Negritos.

Under Santa Ana church in Manila, some skeletons that are believed to be from eleventh century were excavated.  This is assumed to be from Namayan Settlement, the oldest community in Luzon. But what used to be erected in this part of the church? In the heart of the sea, there lies some treasures found in the ship that sank during the Spanish era. Are there laws protecting the National cultural Treasure for the people not to steal?


This Wednesday, join Susan Enriquez and Cesar Apolinario go treasure hunting. Please watch I Juander this Wednesday, eight o’clock in the evening on GMA News TV!