Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga kuwento ng kababalaghan, tampok sa 'iJuander'


Mula sa mga espiritung hindi matahimik, hanggang sa mga maligno at kakaibang nilalang, talaga namang mayaman sa mga kuwentong katatakutan ang bayan ni Juan. Pero I Juander, kuwento-kuwento nga lang ba ang mga ito, o hango sa tunay na mga karanasan?

Ang ilang mga eskuwelahan sa Pilipinas, hindi lang daw sentro ng kaalaman kundi maging ng kababalaghan. Sa Bulacan State University, isang bruha 'di umano ang pumapasan sa balikat ng mga estudyante. Habang sa University of the Philippines, isang espiritu raw ng babaeng ginahasa at pinatay ang sumasakay sa UP Ikot jeepney.

 
 
Paano na lang din kung sa araw ng kasal ni Juan, biglang magpakita ang kaluluwa ng dating kasintahan? Ganito naman daw ang naranasan ng Maffie sa araw ng pag-iisang dibdib nila ng nobyong si Christian. Til death do us part nga ba ang pag-ibig nila ng yumao niyang ex?
 

 

 

Alamin din ang kuwento ng 'di umano'y pagmumulto ng bayaning si Heneral Luna? At bakit nga ba sinasabing hindi matahimik ang kanyang kaluluwa?

 
 
Samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario na balikan ang ilan sa mga kuwentong katatakutan sa bayan ni Juan. Mag-aya ng makakasama sa panunuod ng I Juander ngayong Miyerkules, alas-otso ng gabi sa GMA News TV.