ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Mahalaga pa ba sa Pinoy ang pagiging matuwid, kahit walang nakakaalam?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kung walang nagbabantay, tapat pa rin kaya kahit sa simpleng bagay ang mga Pilipino? Ito ang sinubukang alamin ng Investigative Documentaries sa dalawang social experiment na isinagawa nito nitong nakalipas na ilang araw.
Naglagay ng maliit na puwesto ng mga kendi ang ID sa isang lugar sa Maynila. Matapos maglagay ng karatula na taglay ang presyo ng mga tinda, iniwan ang puwesto. Malugi kaya ang programa sa pagtitiwalang magbabayad nang maayos at tapat ang mga bibili kahit walang bantay?
Sa sumunod na experiment, isang public toilet ang iniwan naman ng bantay nito. Ilan kaya ang magbabayad at ilan ang hindi?
Layunin ng experiments na ito na alamin kung ang pagiging matuwid ay mahalaga sa marami kahit walang nakakaalam.
Sa episode na ito ng ID na pinamagatang "Integridad," kikilalanin din ang iba't ibang mga indibidwal na pinarangalan ng mga institusyon dahil sa kanilang husay at katapatan, at kung anong uri ng pagpapalaki ang naranasan nila kaya tinahak ang matuwid na landas.
Aalamin din ng programa kung ano ang halaga ng "palabra de honor" at kung ano ang epekto kapag ito ay nawala sa pakikitungo sa isa't isa.
Abangan ang Investigative Documentaries ngayong Huwebes, ngayong Disiyembre 8, 8:00 PM sa GMA News TV Channel 11.
Tags: honesty, socialexperiment
More Videos
Most Popular