ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Investigative Documentaries: Burak


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nasubukan mo na bang lumangoy sa malinis na ilog, ang magtampisaw sa dalisay na agos ng tubig nito?   Masuwerte ka kung may naabutan ka pang malinis na ilog sa Metro Manila at kalapit na probinsya ng Luzon. Marami sa atin ay sa mga litrato na lang makikita ito, at laging may panghihinayang kung bakit burak na ang dumadaloy sa marami nating mga ilog.   Ang Paranaque River, ay ang ika-sampu sa listahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na pinakamaruming ilog sa bansa.   Nariyan din ang nalason nang Meycuayan, Marilao, at Obando river system. Ito ang pinakamaruming ilog sa Pilipinas. Sama-sama na sa ilog na ito ang mga duming nagmumula sa mga bahay, mula sa mga pabrika, at mga hayop.   Nagpalala sa problema ang mga squatter na naninirahan mismo sa tabi o ibabaw ng mga ilog. Sa katunayan, higit sa tatlong libong pamilya ang naninirahan sa Paranaque river pa lang.   Kailan at paano malulutas ang problema sa pagkamatay ng mga ilog sa bansa? May paraan ba para panagutin ang mga responsible sa pagkamatay ng mga daluyan ng tubig?   Alamin ang sagot sa Investigative Documentaries kasama ang beteranang investigative journalist na si Malou Mangahas sa Huwebes, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel 11.