FULL TRANSCRIPT: Malou Mangahas interviews Agusan del Sur Gov. Adolph Plaza
Agusan del Sur remains to be one of the poorest provinces in the Philippines according to the National Statistical Coordination Board. The Plazas have been the main players in Agusan del Sur for six decades now yet not much has changed since they assumed power in the ‘50s. In the 2010 elections, members of the Plaza family were elected to eight positions: governor, two representatives, provincial board member, mayor, vice mayor and councilors. In an interview with veteran investigative journalist and GMA News TV program “Investigative Documentaries” host Malou Mangahas, Agusan del Sur Governor Adolph Plaza talked about the issues relevant to Agusan: poverty incidence, education, small-scale illegal logging and indigenous communities. He also opened up about his family and their decades-long reign in Agusan del Sur politics. GMA News Online is publishing the transcript of the interview, including parts not aired on television. -AB/PF/CM, GMA News
Malou Mangahas (MM): Magandang gabi po, Gov. Adolph Plaza. Salamat po sa pagpapaunlak sa Investigative Documentaries ng interview. Simula po tayo kaagad para ilatag lang po iyung mga concepts. Ano po talaga ang tingin niyo personally sa konsepto ng political dynasty? Gov. Adolph Plaza (AP): Pros and cons iyan. Dalawa tingin natin diyan. May magandang dynasty, meron ding masamang nangyayari sa dynasty or I should say naaabuso, so depende na po iyun sa kung paano ang takbo ng pamilya; napag-uusapan kung ano ba talaga, anong purpose natin, bakit tayo nandito sa pulitika. Now I think the good part ang nangyayari naman kung magkakasundo iyung pulitika, magkakapatid, maski hindi magkakapatid, iyung development mas mabilis po na mapatakbo kasi unang-una sa lahat nagkakaron ng support from the congress and sa governor so walang bangayan na nangyayari pagkatapos ng eleksyon. MM: Iyung pamilya niyo po ay halos 50 years na nasa position from the first Plaza. Pero meron pong mga accomplishments na maipagmamalaki kayo? Sa inyo pong personal na paningin, ano po yung biggest legacy na naibahagi ng pamilya sa Agusan del Sur? AP: Iyung vision ng tatay ko ang number one - iyung sa one government center - so ang ginawa niya po is bumili siya ng lupa during the ‘60s kasi nga iyung vision niya na iyung gov't center is sa isang lugar lang. Kasi sa lawak at sa laki ng probinsya namin, may mga tao na pupunta sa iba't-ibang lugar... malaki po ang cost ng transportation, so napagdesisyunan iyan. Bumili siya ng lupa. Mura pa naman ang lupa noong mga panahon na ‘yun. And then doon na po nilagay ‘yung gov't center na tinatawag. Now, lahat ng national line agencies, nandun na po nakalagay na sa ating provincial gov't center. MM: Nabanggit niyo po ‘yung tatay niyo, paano po ba talaga siya unang nahikayat na pumasok sa pulitika? Naikuwento po ba niya? Paano po nagsimula? AP: Ang pagkakaalam ko, ang pagkakaintindi ko kasi nung panahon ng ‘50s o ‘60s nag-umpisa po siya sa panahon ni Pres. Magsaysay. Siya ay in-appoint bilang konsehal ng Butuan City, kasi iyung Agusan is still one. Probinsya pa rin siya at that time so sa Butuan City naappoint siya bilang councilor and I think doon po nag-umpisa. MM: And mula noon, kayo pong mga anak niya noon, talaga po bang medyo nagustuhan ninyo o umasam din kayo na magpulitika din katulad ng papa niyo? AP: I grew up with my dad na puro pulitika karamihan. Siguro din ako naman ay ‘di ko masasabing walang hilig, kasi noong araw po dito sa Manila kami pinag-aral ng elementary until high school. Ako naman ay sa private school pero tuwing nauwi ako, doon ako sa mga kapitbahay namin sa Parañaque at that time and kung alam niyo po, sa Tramo marami rin ‘yung sabihin nating medyo mahirap na mga bahay. Doon po ako naka-standby, or I should say pag-umiikot... kasi mahilig ako sa kalapati noon. So doon ko po nakikita ‘yung kahirapan at anong ibang bahagi naman kasi sa eskwelahan, puro private school, puro lahat may-kaya, and then nakikita ko din iyung other side na nakakalungkot din. Tuwing summer, pinapadala kami sa probinsya sa bakasyon. Kalaro ko rin po at that time iyung mga kapitbahay namin na nagtatrabaho sa kumpanya ng tatay ko. Doon po kami nakakapaglaro. Doon ko nakikita rin yung dalawang side: iyung kagandahan ng buhay, at iyung nakikita ko iyung mahihirap. Doon ko po siguro na-develop iyung paano makatulong kasi ang tatay ko noon is really... kapag nag-uusap kami paano matulungan iyung probinsya, kasi nga po sa ganda ng naibigay ng probinsya sa kanya, gusto niya pong ibalik sa taong-bayan sa Agusan iyung mga biyayang natanggap niya na nanggaling po sa probinsya din po. MM: Doon po ba sa magkakapatid, sino po bang talagang hilig na hilig sa pulitika at pinakamagaling na pulitiko o medyo pare-pareho ba? Wala ba talagang super o medyo nahilig lang o napilitan lang, ganun? AP: Siguro ako, ako iyung unang sumali sa aming probinsya. Ako iyung actually sapilitang pinatakbo ng tatay ko bilang isang board member noong 1995, then sumunod na po ‘yung mga iba kong kapatid. MM: Pero sila ba ay hilig din ba o napilitan lang, o nagkataon lang na gustong patakbuhin? AP: Nagkataon siguro kasi sa akin nga na without my knowledge, in-announce na lang ng tatay ko na tatakbo akong Board Member noong 1995. Na-shock ako, pero actually noong nag-umpisa akong manungkulan bilang board member ay naintindihan ko na po kung bakit ako siguro bigla niyang in-announce. Importante iniibig mo iyung ginagawa mo. MM: Ano pong sikreto ng mga Plaza sa pagbalik paulit-ulit sa pulitika? AP: Importante po minamahal mo iyung trabaho mo at nasa puso, at ibigay mo iyung dapat na ibigay mo sa taumbayan na pangangailangan. I think iyun po, at tsaka magandang pakikisama sa taumbayan na hindi lang iyung kumbaga bumaba ka talaga para malaman mo kung ano iyung totoong problema at makausap mo iyung mga taumbayan. MM: Iyung amin pong team na nanggaling doon sa La Paz ay medyo kinailangang i-escort ng military. Nadinig niyo po ba iyung kuwento at ano po sa tingin niyo ang dapat sana'y nangyari doon? AP: Sana ang nangyari po noon is nalaman po namin, kasi ako, willing naman akong sumama kung kinakailangang sumama. At iyung sa military naman, usually iyun ang standard na ginagawa ng military lalo na kapag ganoon na may media, to avoid also ‘yung untoward incident na mangyari na sa bundok. Kung hindi ako nagkakamali, malayu-layong bundok talaga iyung pinuntahan ng inyong team. So ako naman ay paalis noon ng Manila dahil may convention. Ang importante kasi sa akin is safe kasi okay naman kausapin iyung tao. Wala naman akong tinatago. Kung ano pong ikalalabas doon sa interview ganoon lang po talaga. Ang akin lang, ang ayoko lang kasing mangyari baka pumunta yung news team niyo tapos kung ano naman ang mangyari baka ako na naman ang mapagbintangan. MM: Nasabi niyo po iyung kailangan po namin tanungin kasi medyo na-stranded po iyung aming team noong gabing iyon dahil may balita raw na baka may mga tao kayo, private army daw, na nagbabantay sa kanila sa kilometer 32. Totoo po ba yun? AP: Unang-una po, iyong private army, parang hindi issue iyan kasi unang-una po ako ang Chairman ng Peace and Order Council. Nandiyan naman po iyung army at ating PNP (Philippine National Police). Baka iyung sinasabing private army ay walang batayan, so napakahirap naman po yatang sabihin lang na mayroon akong private army, pero walang batayan. So pwede namang i-check po ninyo sa PNP at sa AFP (Armed Forces of the Philippines) kung may katotohanan 'yung sinasabi na ako po ay mayroong private army. MM: Tatlo pa nga raw po. Ano ba yung mga pangalan? May K-9 ... to be very clear po, ito po'y nadinig lang namin na iyun daw iyung banta. Walang verification pero mukhang naging dahilan para ang aming usapan po sa team namin, manatili tayo hanggang ma-clear kung mayroon bang tunay na banta o hindi man tunay ngunit kailangan pa ring mag-ingat. Iyon po iyung balita doon galing sa mga katutubo. AP: Ang nangyari po noong marinig ko na ganoong may banta tapos ang pagkakaintindi ko at pagkakaalam ko ay aalis ng umaga tapos babalik ng hapon. Tumawag po ako sa Batallion Commander upang tanungin kung totoo kasi may nabasa ako, may nag-report sa akin na may nabasa sa website na nagkaroon na po ng hostage-taking. Wala naman daw pong nangyari noong naitanong ko sa Battallion Commander. So ito'y ikinalulungkot ko na iyung pagsasabi... madali po kasing magsabi na ganito, na itong taong ito may private army, may kung anu-ano man diyan. Pero kung wala pong batayan, napakahirap po. Hindi na naman po ako magsasalita kasi napakahirap po kung wala ngang batayan. Ayokong magsalita na kung anuman na kung kaninong tao kung ako po'y walang batayan. MM: At para rin naman po sa kabilang panig na batid naman po namin na wala naman daw kayong history ng political violence bilang pamilya na nasa pulitika. AP: Iyun na nga po ang medyo katawa-tawa doon. MM: Kayo raw ang nag-aaway-away na magkakapatid? Hindi, biro lang. So ano po ‘yun, may history po ba ng political violence ang mga Plaza? AP: Hindi po namin ugali iyun kasi unang-una, tayo'y 2012 na ngayon. Hindi na uso iyang mga ganyang pamamaraan kasi ako'y naniniwala kung sa private army lang, kukuha na lang ako ng bloggers kasi naniniwala ako sa public opinion kaysa sa [private armies]. Sakit ng ulo ang mangyayari sa iyo. Mayroon naman tayong institusyon na gumagawa ng kanilang trabaho. Ang ating AFP at tsaka PNP na role naman talaga nila na ma-maintain ‘yung peace and order. Sa akin pong pananaw, kung maganda ang peace and order sa isang lugar, mas madali po nating maimbita at mapaunlad ang ating probinsya. MM: Ngunit ang amin din pong napag-alaman medyo marami ring armed groups, mga private armies sa lugar ninyo. Siyempre iyung mga armado na ilang katutubo merong mga... of course, iyung mga CAFGU, mga pulis at yung military. State forces din po iyun pero may NPA din daw po sa lugar. Ano po iyung situwasyon sa Agusan del Sur peace and order? AP: Ang peace and order natin sa Agusan del Sur ay kung tutuusin napakaganda compared sa ibang probinsya. Kasi unang-una, may NPA nga. Totoo iyan. Mayroong NPA, iyung armed groups. Minsan talaga sa kanila doon, may baril talaga ang mga bahay kasi nga ang nangyayari, dalawang pamilya mag-aaway so parang ang nangyayari doon sa bundok, ang importanteng importante na may baril. Iyun ang naging isang problema natin doon sa probinsya at ito iyung mga areas na hindi na accessible talaga sa daan at napakahirap so isa po ito sa problemang hinaharap natin. Medyo aaminin ko po napakahirap na i-address ang problema ito. MM: Ito pong Executive Order 23 ni Pangulong Aquino, pinapatigil iyung logging pero patuloy din daw po yata ‘yung small-scale illegal logging sa Agusan del Sur. AP: Isang komplikadong problema ito kasi unang-una, ito'y according to them, is tradition nila dahil sa kanila iyung lupa, so komplikado po. Ang ginawa po ng ating lalawigan nang lumabas ang E.O. 23 at nagkaron ng hulihan, confiscated logs ay talagang ang probinsya naman ay sumusuporta. Ngayon, ang ginawa po namin hindi talaga kakayanin ito ng probinsya lamang na magtatrabaho nito at hindi rin kakayanin ng DENR (Department of Environment and Natural Resources) din. So ang ginawa po natin, nag-usap kami ng DENR, iyon pong bagong regional director ng DENR, and together with the PNP, tsaka municipal mayors, and most especially barangay captains and stakeholders. Sa katotohanan po, sinali rin po natin iyung mga municipal chieftains o iyung mga municipal datu chieftains kasi importaneng importante na isali po natin sa problema or paghahanap ng solusyon iyun pong stakeholders mismo, o iyung komunidad mismo, para maisagot natin iyung problema tungkol sa logging. Kasi ito'y naging tradisyon na kasi kung hindi ako nagkakamali. Hindi pa ko pinapanganak ay talagang may logging na sa Agusan del Sur. Kaya ang tawag din sa CARAGA Region is also timber corridor, kasi ‘yun nga ang naging kaugalian ng ating mga katutubo na talagang ang kanilang pamumuhay ay nanggagaling po sa pagpuputol ng kahoy. So hindi uubra, sa aking pananaw, hindi uubrang enforcement ang gagawin natin, kung hindi ano ding alternatibong pamumuhay ang puwede nating ibigay sa kanila nang sa gayun, mapatigil natin sila sa pagpuputol ng kahoy. At ito ang adbokasiya ko nga: agrikultura. So nagkausap po kami ng DENR. Mayroong different-inclined agencies na i-onboard para maibigay kung anong puwedeng maitulong din tulad ng DSWD (Department of Social Welfare and Development). Ang pagkakaalam ko, onboard na sila with the technical working group kasali nito ang municipal government, provincial government, barangay captains, DENR, PNP at lalung-lalo na po iyung municipal chieftains para ma-address po iyung problema. Iyung conditional cash transfer, isa pong sabihin na nating short-term na puwedeng itulong sa kanila, at iyung mga programa din ng national government. Itong mga hindi ma-access na daan na aayusin po ng national government tsaka kasama ang DPWH, tsaka iyung program in terms of livelihood. Tulung-tulungan po. Hindi po kakayanin kung isang ahensya lang ang sasagot ng problema tungkol sa logging.
MM: Pero doon po sa balita, matapos po ng bisita ni Sec. Robredo noong July na may confiscated na mga troso, meron daw 600 plus cases na naisampa against illegal loggers sa Agusan del Sur, Agusan del Norte, at kasama raw ay limang mayor. Totoo po ba ito? AP: Wala pong natatanggap na kaso ang mga mayors. Ang pagkakaalam ko po sila ay inimbestigahan at pinatawag ni Sec. Robredo at that time, at iyun na nga po. Maski kami po ni Sec. Robredo, nagkausap at during that time, sa aming pag-uusap naintindihan din niya na hindi uubra kung puro lang enforcement. Dapat may alternative pamumuhay na maibibigay sa kanila, so we are in the process na ayusin namin iyun. Iyun nga lang, nadisgrasya po si Sec. Robredo, so medyo na-stall po tayo doon. Pero iyung ating technical working group is tuloy-tuloy po ngayon ang takbo. We will submit one of these days kung ano na po iyung accomplishments na nagawa para sa gayon, may basehan din tayo na ito iyung ginagawa ng probinsya. MM: Doon po sa mga lugar na may mga political families daw, medyo nauso hindi lang naman sa Agusan o sa Mindanao, sa Luzon din, mayroon na naghahati-hati ng mga distrito para raw ma-accommodate iyung mas maraming political players. Sa Agusan po ba, ito’y nangyayari para sa mga Plaza? AP: Sa ngayon, wala pa po. Hindi pa po nangyayari. Ang atin lang, ang masasabi ko ay iyung dalawang congresswomen po, iyung kapatid ko, ay nakaangkla po iyung kanilang konsulta sa amin kung ano ba talaga ‘yung strategy ng probinsya at doon din po sila nag-cocomplement in terms of trust and development sa ating probinsya. MM: Doon po sa mga katutubo, balik lang tayo doon. Iyung small-scale logging, iyung isa sa mga nakita namin, iyung Manobo project na kay Pedro Hernandez alias Datu Bunanat.1 Ano po bang status ng proyektong iyun sa kapitolyo in terms of permits, project proposals, o mga status report na mayroon kayo? AP: Wala. Iyun po ang nakakalungkot doon. Wala po kaming status report at kung anumang nangyayari and in fact, mayroon niyan noon way back. Lumapit iyan upang pirmahan, humihingi ng permiso sa provincial government. His is way back 2006-2007 kung hindi po ako nagkakamali, and pati mga 2008-2009 nag-fo-follow up po. So ang ginawa ko po hindi po ako puwedeng pumirma kasi unang-una, hindi po ang provincial government ang nagbibigay ng permit para magputol ng kahoy, DENR po. So inilagay natin sila sa proseso. Mayroong proseso ang probinsya, but unluckily, up to now walang sinasubmit para dumaan sa proseso ang kanilang development plan at kung anuman ang kanilang plano. Kasi po ako'y hindi basta-basta pumipirma ng permit kung hindi po dumadaan sa tamang proseso po. MM: So sa madali't sabi, iyung sa Manobo project na iyun, ang kapitolyo ay wala at all na participation sa approval o sa pagmomonitor ng sitwasyon? AP: Wala pong pormal na kung sa madali't sabi, wala po kaming alam. Iyun lang po na lumabas na ako ay ganito, ganoon. Ako po ay na-obliga po na kailangan ko ring protektahan ang sarili ko at alamin kung anong mga nangyayari doon so iyun po ang pagkakaintindi; nalaman ko na marami rin palang problema iyung tao. Hindi lang po pala sa probinsya, kundi sa ibang ahensya ng gobyerno. MM: Totoo po ba yung balita na meron po kayong P200,000 price na inilagay sa ulo ni Datu Bunanat [ng mga Manobo] noong nakalipas lang na buwan? AP: Sabihin ko po hindi ko po trabaho iyung ganung gawain, at alam ng mga Manobo at iyung ibang tribo doon kung ano po ang relasyon ko sa kanila. MM: Ano po ang relasyon niyo, kung idedescribe natin? How does Governor Plaza deal with the Manobos of Agusan del Sur? AP: Ako po'y ginawa din nilang datu na in fact kasi iyung tatay ko po is ang tawag po sa kanya ay datu, and gusto din nilang ibigay din sa akin ‘yung ganoong posisyon. Sa totoo lang po ay tinanggihan ko. Sinabihan ko po sila na gusto ko munang ipakita sa inyo na ako'y karapat-dapat na maging isang datu, katulad ng tatay ko kaya ang ibinigay na muna nilang pangalan sa akin ay Datu Lipos Makapandong so lahat po ng mga datu sa Agusan del Sur ay talaga pong ... ako po ang kanilang supreme datu at ako iyung naging gobernador at ako yung nag-aadvise sa kanila kung mayroon pong problema ang dalawang tribo. Ako po iyung nagmemediate. MM: Ilan po ba iyung mga sum total na mga katutubo sa probinsya, at ilang chieftain o datu, o kinatawan nila, ang talagang masasabi nating pinuno ng mga katutubo? AP: Bale sa ating bawat munisipyo, may tinatawag tayong municipal chieftain, so 14 po iyan. Ngunit yung sa bawat munisipyo meron pong tinatawag na sectoral datus. So these are basically, mga pamilya ito, pinsan na ilagay na nating 2,000 hectares. Diyan po sila nabubuhay sa 2,000 hectares. Mayroon din namang another 5 to 10 hectares na iniwan ng kanilang ninuno na ito'y walang sabihin na nating mapping. Kung hindi, mayroon lang silang usapan na hanggang dito at basically, may sistema sila sa pag-settle ng kanilang boundaries. MM: So iyun pong sa La Paz na proyekto na 51,000 hectares, gaano po kalaki ang sakop noon? Iyun po ba ay La Paz lang? AP: La Paz lang po iyun kung hindi po ako nagkakamali na sa out of that 51,000 hectares, walong sektor ang datus ang involved po diyan. MM: So hindi lang po sila Datu Bunanat? AP: Hindi lang po. Isang bahagi lang po iyun. Mayroon iyang Council of Elders composed of the different sectoral datus na pinapadala nila as a member of the council po nila. MM: Iba-iba po kasi yung version ng balita, kung gaano kalaki iyung authority ni Datu Bunanat. Sept. 13, may pahayag sa CARAGA at iyung mga iba raw chieftains na hindi naman daw totoong kinatawan o pinuno nila si Datu Bunanat. Although sa pahayag naman ni Datu Bunanat, iyung 51,000 hectares na iyun, siya ang designated na kinatawan sa pag-aayos ng palm oil project. Ano po iyung totoo? AP: Sa pagkakaalam ko kasi may dokumento ako na ibibigay ko rin po sa inyo. Ito iyung tinatawag na Certificate of Ancestral Domain title number 117, and ang composition nito, iyun nga, kung hindi ako nagkakamali, walong sectoral datus. Kasi ang pagkakaalam ko, ang talagang iniwanan ni Datu Tagleong na napakalapit sa tatay ko ay si Rosbert Coguit, who is the son of the first wife of Datu Tagleong. Ito naman pong si Datu Bunanat daw na taga-Luzon, pumunta sa Agusan del Sur upang pakasalan si Merlyn Coguit. Si Merlyn, kung hindi po ako nagkakamali again, ay anak sa pangatlong asawa ni Datu Tagleong. MM: So ano po ba ‘yung custom o kinalakihan nilang tradisyon ng tribo ng Manobo? AP: Ang tradisyon po nila usually talaga is parang monarchy na iyung anak sa unang wife at lalong lalo na iyung karamihan po, lalaki talaga iyung pinag-iiwanan ng … kumbaga ng kapangyarihan na magdesisyon sa pamilya. But not necessarily iyung pinakamatanda, pero pinipili mismo ng tatay kung sino ‘yung karapat-dapat sa kanyang anak, pero karamihan po at kalimitan, lalaki po ‘yung binibigyan ng ganung karapatan. MM: Ano pong nangyari doon sa dapat ay tagapagmana? AP: Napatay po. Kung hindi ako nagkakamali 2010 or 2011 na-murder po siya sa bundok. Binaril po kasi. I think that was the time kung hindi po ako nagkakamali, iyun po iyung mga pagkakataon. MM: Iyung iba naman pong katutubo ang sabi, wala naman po kayong ganoong oras para sa kanila, parang hindi niyo naman siya masyadong naaasikaso? AP: Napakahirap pong asikasuhin sabay-sabay lahat. Aaminin ko po siya. May pagkukulang po tayo pero mayroon po tayong areas na inaayos natin kasi po ang sinisiguro natin, unang-una, iyung mga areas o tribo na nagkakaintindihan. Doon po talaga ako unang gustong pumasok kasi mas madali pong i-guide o bigyan ng tulong. Ngayon, ito naman … dito sa area na ito, mayroong may problema among themselves internally at wala naman pong lumapit sa akin at humingi ng tulong kasi kapag ganitong may internal problems na within sa kanilang grupo sa mga datu, usually ako po'y pinapatawag at tsaka pa po, ako mag-iintervene. Kung ako naman po'y hindi naiimbita, napakahirap naman pong pumasok na hindi ako hinihingan ng tulong. MM: Doon po sa budget ng provincial government ng 2012, nasilip namin na mayroon kayong inilaan na malaking pondo para sa road construction na P30 milyon. Saan pong mga lugar ito nakatutok? AP: Nakatutok po ito sa ating mga provincial roads. Ang ating basic … because iyun talaga ang role ng probinsya, ang i-maintain natin iyung provincial roads, which are about 600 plus kilometers. Ang focus po namin unang-una sa P30M na nakalaan is ‘yung provincial road kasi ito ‘yung mga highly productive areas so doon tayo nakatutok. MM: Ano po ba iyung sa inyong silip ay top three problems ng probinsya ng Agusan del Sur? AP: Kalsada po ang number one na problema dahil po of our limited budget at ang aming road network doon po sa probinsya ng Agusan del Sur sa ngayon is mahigit 3,000 kilometers. So kung titingnan po natin ay napakalaki, napakahaba at napakahirap na i-maintain. Tapos ang problema pa po natin pa ay iyung panahon po natin doon ay wet, very wet. Iyung nagiging problema po at the same time ay iyung pag-ayos po natin ng kalsada. Kami kasi ngayon nag-shishift na imbes na puro gravel roads, unti-unti po nating sinesemento yung provincial roads. At tinitingnan din po natin na kung ‘yung area na productive in terms of high value crops. Iyun po ang focus natin pero medyo hirap po akong iprioritize iyon dahil maski umuulan dumadaan iyung heavily loaded trucks. Nasisira po agad iyung daan so ang ginagawa po natin ay pinapakiusapan natin iyung mga nagpuputol ng kahoy doon na sila rin iyung umayos ng daan, tutal sila rin naman ‘yung nakikinabang. At, Malou, gusto ko lang maliwanagan po ito, lalung-lalo na sa mga nanonood kasi iyung mga lumalabas sa TV, ay hindi naman na-illegaly cut. Karamihan po ng mga pinapakita sa TV, lalung-lalo na iyung trak-trak na nakahilera, ay karamihan po ay logs. MM: At ginagamit sa anong produkto po [ang logs]? AP: Plywood. Ginagamit po ito sa plywood as ‘yung sa gitna po, core. MM: Iyung probinsya po ng Agusan del Sur, marami rin po sa Mindanao na mga probinsya, palaging nasa top 10 poorest provinces ng ating bayan. Bakit po ganoon ang sitwasyon? Medyo matagal ba bago umunlad? AP: Hirap na hirap kami. Unang-una dahil land-locked po kami, ang probinsa. Sa buong Pilipinas po, 19 na probinsya ang land-locked, and isa po kami sa pinaka-land-locked, and we are 896,550 hectares so napakalaki po. Napakahirap po, and then iyung upland barangays namin is about 159 barangays. Ang upland- ito po iyung mataas ang poverty incidents. Nagiging problema pa po namin is really iyung accessibility at iyung sa income ng tao. P18,000 plus po ang poverty threshold so talaga pong lalabas po ang resulta na mataas ang poverty incidence sa amin. Ang probinsya rin po talagang naglalaan po ng pondo. Way back 2003, ang poverty threshold is about P13,000 plus. Pero noong 2009, tinaas iyung level na naging 18,500 plus yung poverty threshold. Kaya po talagang [tumaas] iyung poverty incidence ng probinsya. MM: Ang sabi nila kapag magkakapatid o magkakamag-anak sa pulitika sa isang lugar, mas maganda iyung consolidated ang resources na puwedeng ipondo sa bayan. Sa bahagi ng mga Plaza, ito po ba ay napagtutulong-tulungan na maipundar na super hirap galing sa iba't ibang pondo? AP: Nagkakaroon po ng counterparting. Iyun po ang mungkahi natin ngayon kasi hindi puwedeng sa probinsya lang at sa ating kongresista, kung hindi pati iyung mga mayors mismo at down pati iyung mga brgy. captains po na kung ano man iyung kanilang problemang inilalapit sa akin, sinisiguro ko pong unti-unting paintindihin sa kanila na hindi po pwede na ang sasagot ng kanilang problema ay ang probinsya lang at ang kongresista, kung hindi dapat galing po sa barangay. Maglagay ng counterpart para po mas malaki po ang nagagawa ng ating proyekto sa bawat barangay. MM: Ano po iyung advantages na parang may mga magkakamag-anak? Kanina nakwento niyo panimula kung magkakapatid, medyo mas madali. Mayroon po bang advantages o disadvantages ang mga magkakamag-anak na connected o medyo malapit ang mga pwesto sa pulitika? AP: Ang importante is nagkakaintindihan iyung mga magkakapatid na anong magiging direction, magkakaroon ng consultation between the provincial government at doon sa kongresista na pag-usapan ang strategy ng probinsya na direksyon. Importante rin po na iyung munisipyo, nakaangkla rin po para po iyung mga pooling of funds ... mas malaki po ngayon together with the congressional funds, so ganoon po iyung advantage na nangyayari kung nagkakaintindihan din po. Kasi mayroon din pong ibang nangyayari kahit magkakapatid hindi nagkakaintindihan. May mga probinsya ring ganoon so it becomes a disadvantage. Also, naiipit kasi iyung taumbayan.
MM: Sa Agusan po ba may nagkakaintindihan na pamilya? AP: Kami [mga Plaza] po ay nagkakaintindihan kami ngayon. Mayroon din naman pong hindi nagkakaintindihan sa aming pamilya. MM: Paano po iyun naaayos kung sakaling hindi nagkakaintindihan ... malapit na iyung eleksyon? Ano po iyung mga solusyon diyan? AP: Walang ibang solusyon kung hindi makipagusap ngayon. Ang tanong na lang po sino po iyung unang lalapit at makipag-usap? Kasi unang-una buhay po ang nanay ko. Sa pagkakaintindi ko po, dapat lapitan iyung nanay ko para sa ganoon, ang nanay ko ang mag-mediate sa lahat. MM: Tingnan lang po namin sir iyung issue ... usapin ng mga asset records, SALN. Mayroon pong mga records na available ang family members niyo lalo na iyung mga nagsilbi sa Congress. Pero may mga pagitan, bitak na mga taon na hindi nadisclose publicly. Ano po ‘yung dahilan doon, iyung asset records, ano po ba ang paninindigan ng pamilya dito? Dapat bang ilabas ang mga SALN o medyo may alinlangan tulad din ng mga ibang opisyal na kapag nilabas iyan, mamaya delikado sa safety? Baka kung anu-anong mapagawang istorya? Ano po ba iyung inyong personal na opinyon dito? AP: Ito po ay batas at open po ito so sa aking pananaw kung may gustong tumingin ng aking SALN, kinakailangan po talagang ibigay iyung SALN. Ngayon, sa tanong mo na... MM: May gap na hindi nadidisclose iyung SALN. AP: Hindi ko po alam kung sino iyun kasi ako po taun-taon na nagbibigay po ng SALN. MM: Bakit po iyung mga ibang kamag-anak niyo, hindi kaya available iyung SALN kasi noong nakita namin, may disclosure naman ng ilang taon pero sa iba hindi? Pero mayroon din pong ibang data na declared na parang property pero hindi lumalabas sa SALN na nadisclose kasi po kapag nagcorporate search... AP: Mayroon din kasi kaming holding company and ako po is part of ... stockholder po ng sa holding company. So minsan napakahirap i-define no ... kasi like iyung mga property ng pamilya. Minsan, ako'y nalilito paano niyo po ilalagay dun so... MM: Iyung holding company o iyung partikular na company? AP: Holding company and particular company. MM: Iyun pong Cebu Vespa motor sales noong 2000, isa po kayong nakalista daw na incorporator pero wala po sa SALN... Ano po bang sitwasyon? ... Cebu Vespa motor sales incorporated ... AP: Kung hindi po ako nagkakamali ay iyan po iyung sa aking yumaong kapatid na si Douglas Valentino Plaza. Isa lang po ... younger brother ko po iyun. Siya po ang nag-manage ng Cebu Vespa, and at the same time, I think kung hindi po ako nagkakamali, ay humiram po ng... nagpatulong po sa nanay ko. So siguro sa korporasyon, sa family corporation, kasi po sa totoo lang, hindi ako gaanong nakikialam sa family corporation kasi I want to do it on my own. Kasi minsan kapag maraming ...12 po kaming magkakapatid. Minsan nagkakaroon ng komplikasyon, so I'd rather work hard on my own. So siguro kung ano man iyung may meeting, kung may matatanggap, okay po. Ako po kasi ay naturuan ng tatay ko na wag umasa so iyun po ang aking naging prinsipyo na magtrabaho ako nang sarili ko at kung may darating man, manggagaling sa pamilya ay bonus na po ito para sa akin. MM: May mga iba na parang pumapansin na iyung SALN o net worth over the years ng pamilya ninyo, individually, parang consistent siguro dahil sa sipag, o sa dami ng trabaho at negosyo, consistently na tumataas. Mayroon bang dapat ipangamba doon, mga silipin na problema habang nasa pwesto? AP: Kung sisilipin po, wala naman po tayong magagawa doon. So tayo po ay bukas po. Ako ay isang public servant so I have to be open. So kung gagawin po iyun ay wala naman po akong problema. Siguro, minsan kasi ang nangyayari, may konting pagkakamali na nangyayari. So ang importante po, iyung reasonable na level, hindi ‘yung napakalaki ng agwat na parang kataka-taka. MM: Sa bayan na parang medyo maraming mahirap, tapos yumayaman ang mga leader, mayroon bang dapat na ipangamba doon iyung mga tao na parang hindi sabay na umuunlad? AP: Ito po ang bago kong adbokasiya, lalung-lalo na sa lahat. Hindi lamang sa akin, kung hindi down to the barangay level. Tayo po, tingnan po natin, dahil tayo may tamang sweldo na binibigay ang gobyerno, dapat pong ibigay natin ang tamang serbisyo sa pamamaraan ng pagbibigay ng pagkakataon na magkaroon ng hanapbuhay. Kasi napakahirap naman pong tingnan na tayo po ay nakakain ng tatlong beses sa isang araw pero iyung aking tao na nakikita, napupunta sa barangay, nanginginig ‘yung tiyan. So ang nakikita ko pong importante talaga dito is ‘yung frontliners. Ang frontliners po, ang barangay captains. So ito po ang isa sa aking adhikain na talagang itulak iyung mga barangay captains na hindi lamang na maggawa ng proyekto, kung hindi itulak po iyung mga tao na maturuan na mabigyan ng tamang pamumuhay Kasi maraming pondo po ang ating probinsya, sa ating local taxes, lalung-lalo na po sa ating environmental sustainability fee, may nakalaan po doon para sa livelihood, para po iyun ang maibigay natin sa ating taumbayan...na mabigyan ng tamang teknolohiya sa mga bagong pamamaraan ng farming. Kasi this is the only way na nakita ko sa Bukidnon, like in the case of Bukidnon, nagpoproduce po sila ng mga high valued crops katulad ng mga napakamamahaling gulay So ito po ‘yung pinupush natin. In fact, ipatayo iyung barangay agricultural worker para po talagang mai-address. Kasi kung ang ating aasahan lamang ay iyung municipal agriculturist, at saka provincial agriculturist, hindi po talaga kakayanin. So ito po ang continuous challenge, aside sa problema namin sa kalsada. Iyun talagang pagturo at pagbigay ng tamang teknolohiya sa agrikultura ang kinakailangan. So mayroon tayong tinatawag na upland sustainable agriforest tree development na nakafocus tayo ngayon. Nagshift po tayo ng strategy, na iyung upland areas talaga ang tutukan kasi ito po iyung mataas ang poverty incidence areas MM: Iyung edukasyon, medyo mababa ang participation rate sa eskwela ng mga bata sa Agusan. AP: Nagbigay po ako ng data sa inyong kasamahan. Iyung 2003, kung hindi po ako nagkakamali, ang sa elementary is 73 percent ang participation rate. Ngayon po is nasa 79 or 80 percent ang participation rate. Ngayon, ang problema natin, pagdating naman sa high school, medyo mas mababa ‘yung participation rate compared sa elementary. So again, nakikita natin na ang problema nito, iyung hindi naman kakayanin ng probinsya lamang ang tumugon sa problema. kailangan po katulong po natin ang DepEd, kasi nga po problema, may eskwelahan, wala namang teacher. So ang nangyayari, ang provincial government, ang municipal government, at barangay, ang kumukuha naman ng dagdag, na nagiging honorarium lang ‘yung pagbibigay ng sweldo sa teachers MM: Pero priority po ba na papasok itong edukasyon? If you had to bring all your children to school, anong pwedeng gawin? Magkano ang pondong kailangan? Anong mga steps na dapat, hakbang na gawin ng ating gobyerno? AP: Dapat po seryosohin ‘yung pagbibigay ng, pag-address ng ating eskwelahan. but at the same time, ang problema baka hindi na po mahabol ng pondo ng gobyerno iyung sa parami nang parami na estudyante kahit taun-taon, gumagawa ng eskwelahan. So ako ay naniniwala sa management po talaga ng pamilya, na iyung kayang buhayin, iyun lang po talaga ang dapat gawin. Mayroon naman tayong mga natural na pamamaraan.
MM: Ang sabi po ng isang political analyst, minsan parang gusto ng mga pulitiko na manatiling mangmang iyung mga tao, o hindi nakapag-aral para raw mas madali na manatili sila sa pwesto. Mayroon ba kayong opinion doon? AP: Hindi po ako... opinion lang naman ... hindi po ako naniniwala sa ganoong klaseng pananaw. Kasi unang-una, mas maraming problema ang haharapin niyo kung mga mangmang ang ating taumbayan. Now, kung edukasyon ang pag-uusapan, gusto ko po kayong imbitahin minsan, ang inyong crew, para makita niyo kung ano iyung mga ginagawa namin tungkol sa edukasyon. Kasi kami po ay may tinatawag na model of excellence school na tinutulungan po kami ni Mrs. Nancy Harrington ng America upang magdala ng mga libro dito, at hindi lang mga materials, kung hindi pati mga trainings ng teachers ng DepEd. Naglalaan din po kami ng pondo na tuwing summer maturuan po ng bagong pamamaraan ng pagtuturo ‘yung mga DepEd teachers, lalong-lalo po itong sa elementary saka ito ngayon sa kindergarten MM: Iyung isang nasisilip namin na particular na usapin, sa COA (Commission on Audit) report, mayroong unliquidated cash advances na umabot ng P800 milyon. Ito ba ay may pagkaklaro na sa COA; tapos na ang usaping ito? AP: May ginagawa tayo pero unang-una po, hindi po umabot ng P800 milyon. Mayroon pong unliquidated tayo. Continuous po ito. Ang COA report mayroon din po. And sana po makita niyo po. Kasi kung sa akin manggagaling, mayroon na namang bias. So mas maganda po iyung report ng COA ang makuha. Mahirap naman kung ako ang magbigay, o hihingi ako doon. Sana isa sa inyong mga tauhan ay maano sa COA. MM: Puwede namang nadelay lang. Puwede rin naman na hindi talaga nagkaroon ng resibo. Ano po ang mga dahilan? AP: Ang iba nito, iyung nagiging problema, iyung bibiyahe, pag-uwi hindi naiayos agad ang resibo, so iyun ang nagiging problema nito. So kinakailangan nito, mayroon tayong ginagawang from time na time na memorandum circular sa particular employee na dapat iliquidate niya. Ang problema naman po din, hindi po natin pwedeng bawasan iyung sweldo ng tao para nang sa ganoon ay unti-unti niyang mabawasan ‘yung unliquidated account ng partikular na empleyado ng gobyerno. MM: Itatanong lang po namin, ano sa tingin nyo ang pinakamagandang nasasabi ng mga tao sa mga Plaza? At kung sakali naman ay anong dapat matandaan nila kapag sinabing pamilya Plaza? AP: Sa pamilya po, mayroon po din iyang individual na pananaw bawat mamamayan sa probinsya ng Agusan del Sur. Kahit po iisa ang apelyido namin, magkakaiba naman ang aming palayaw, so mayroon pong personal, individual strength, sabihin na natin. Ako naman, sa aking ... in my case, puwede niyo naman maipagtanong sa aming probinsya kung ano iyung ugali ko. But ang pagkakaalam ko at pagkakaintindi ko ay napakadali ko raw lapitan at approachable. At talagang pumupunta rin po talaga ako doon sa down to the barangay level upang makipaghalubilo at makausap, at malaman kung ano talaga ang problema. And at the same time, ang aking opisina ay parating bukas kapag ako ay andiyan sa opisina. Minsan, buong araw wala akong nagagawa dahil sa bisita. AP: So ang ginawa ko po, inilaan ko po iyung Lunes at Martes para sa bisita, para masagot iyung mga problema. But Wednesday, Thursday, Friday, talagang hindi puwedeng puro na lang bisita at acccommodate iyung problema nila MM: Doon po sa bahagi naman ng pinaka-hindi magandang sinasabi nila tungkol sa mga Plaza, at lalo na kung parang kapag susumahin iyung mga 50 years na... AP: Thirty-three years lang po kami, mula sa tatay ko... MM: Thirty years mula sa inyong ama, ano sa tingin niyo iyung pinaka-hindi magandang sinasabi nila at ito ba ay pasusubalian niyo o sasabihin niyo baka nga mayroon pang kailangan paunlarin sa pamamahala ng mga Plaza? AP: Ang karamihan ng mga nagiging problema na inilalapit sa akin na hindi ko kayang sagutin lahat, e ‘yung sa kalsada po, so isa ito siguro sa masasabi nila na hindi ko nabibigyan ng pansin. Kasi unang-una po, ang nagiging unang-una kong tanong, anong kalsada iyun? Baka municipal road, or barangay road. At kung provincial road po ito, responsibilidad ko po iyung dapat sagutin iyung problema na inilalapit sa akin. Siguro doon ko nakikita kasi kung in terms of social, which is health, ay talagang ako naman po ay talagang kung may problema iyung tao, at alam kong hindi niya kakayanin iyung pagpapagamot. Andoon naman po iyung ospital ng probinsya. Tertiary po iyung ating hospital although meron pa ring mga pagkukulang ang hospital. Slowly, ating dahan-dahang pinagaganda iyung serbisyo ng ating probinsya sa hospital. MM: Iyung media ho sa Agusan, mayroon bang mga pangamba o panganib na baka hindi sila ganoon ka-safe lalo na paparating ang election? AP: Kung hindi po ako nagkakamali, wala pang media na namamatay sa aming probinsya, kasi nga po katulad ng sinabi ko po at siguro puwede niyo namang i-counter check, ay hindi po kami naniniwala na ang solusyon ng problema, kung may problema mang dumating, ay pagpapatay ng tao. Babalik at babalik sa iyo iyun ... karma at karma darating sa iyo. MM: Ito pong election sa Mayo 13, 2013. Ano po iyung outlook sa members ng family, kayo po at iyung ibang kapatid ninyo? Tatakbo po ba ng partido ni Pangulong Aquino o UNA? AP: Kami po ay nasa National Unity Party, at kami po ay naniniwala sa adhikain ng ating pangulo na isulong ang socio-economic development ng ating bayan. Kasi unang-una, ako po ay naniniwala na kung ang munisipyo ay maayos ang takbo, walang rason po na ang probinsya ay hindi umayos ang takbo. At kung ang probinsya din ay talagang umayos ang takbo at gawin ang dapat, nararapat na gawin, kung ganoon ang 81 probinsya, wala pong rason ang ating bansa na hindi po uunlad. MM: Pero marami raw free zone na madedeklara dahil sa rami ng gustong tumakbo, nagkasaliwa na iyung mga coalition ng mga partido. Anong mangyayari sa Agusan? Free zone ba kayo? AP: Hindi ko pa alam sa ngayon kung ano ang kalalabasan, but we have between now hanggang October 5, malalaman. Ang pagkakaintindi ko po, ang initial na usapan is mayroong mga areas po na kapag may Liberal Party at sa coalition na kasali na magkakalaban-laban, is magkakaron po ng free zone. MM: Alam niyo bang kandidato ng Katutubo party list group, hindi pa sure kung accredited, si Datu Bunanat [ng mga Manobo]? AP: Hindi ko po alam iyan kasi sa rami ng problema ko, hindi ko na siya kailangan isipin. Ngayon lang po na ako ay naakusahan ay dapat ko pong protektahan ang sarili ko. At hinahanda ko po ang lahat ng dokumento kasi napakahirap po talagang basta magsalita at magreact dahil may akusasyon sa akin na wala akong batayan MM: Bakit ba siya medyo may tampo or may inis sa inyo? Kasi kayo ang inaakusa niya na naglagay ng P200,000 price on his head. Kayo raw ‘yung nag ... ayaw niyo raw suportahan ang mga Manobo project. AP: Unang-una po, mahirap pong suportahan ang isang proyektong sa umpisa pa lang nakikita kong may mali. Ang hiningi ko lang sa kanya, idaan niya sa proseso, at kapag dumaan sa proseso, susuporta ang probinsya. Ang role ng isang gobernador at ng probinsya ay kung sino man ang gustong lumapit at mag-invest ay dapat mong ibigay ang lahat ng pangangailangan niya, o ang kanyang services. But in doing so, mayroon din po kaming hinihinging proseso or requirements na pwede ba naming tingnan, nang sa ganoon maprotektahan din po iyung interest ng particular na area, lalung-lalo na itong case na ito, ang interest ng katutubo. Naipangako ko sa tatay ko na aalagaan ko po, at hindi ko po pababayaan. MM: May investor na ba talaga na nagtanong na sa inyo na gusto nilang magbuhos ng pera doon? At totoo ba iyung sabina milyong dolyar na posibleng maging kita ng Manobo project na ito? AP: Wala po. Wala po, but mayroon noong mga nakalipas na taon, at kami po ay nagkaroon ng misunderstanding. Kasi nga po, noong dumaan sa proseso at dumating na po doon sa ating oversight committee na kasali sa ating environmental code, aming napag-alaman na ito ay puro dummy, at ang capitalization lamang is P10 milyon. At ang kinukwento sa akin ay bilyun-bilyong dolyar. Paano ko naman po paniniwalaan ‘yun? Noong makita ko ang records ay P10 milyon lang ang kanilang capitalization. Ang problemang nangyayari, puputulin muna iyung mga natural growth trees bago taniman. Hindi po ako naniniwala sa ganoong pamamaraan. Ang akin po, kung mayroong papasok na investor, doon po tayo sa area na naputulan o hindi na maganda iyung old growth forest o secondary growth forest, doon po tayo magtanim. Hindi po iyung magtatanim tayo pero puputol muna tayo para mataniman MM: So sa madaling sabi, wala pa talagang nag-register or pondo na naibigay para sa Manobo project? Kasi mayroon daw silang signing ng grant from Canadian Merchant Bank na 1.5 million dollars. AP: Wala. Unang-una, hindi dumaan sa probinsya so malaking problema po ito. Pangalawa, ang tanong, ito ba ay tanggap na ng kanilang samahan doon po sa katutubo, ng kanilang council of elders? Ito ba ay napag-usapan na at naintindihan na ba nila na may ganitong hakbang na ginagawa, kung sino man ang gumagawa niyan. Malaking tanong pa po iyun. At pangalawa, si Datu Bunanat po ba is talagang siya ang nahalal or napag-usapan na siya ang mamuno. Kasi sa aming record po ay hindi po siya ang dapat maging leader. At ito po ay mayroon din na lumabas at ibibigay namin din iyang dokument na kanyang sinasabi na siya po ang karapat-dapat na mamuno ng kanilang tribo, saka iyung akusasyon niya na iyung impormasyon na siya ay ipapapatay ko. Mayroon din pong dokumento pong ibibigay sa inyo na wala silang impormasyon na binigay na nanggaling daw sa akin iyung banta sa kanyang buhay. MM: Iyun bang protected areas ng Agusan, ilan po iyung covered na bayan noon, at ano iyung dapat mangyari? Kung protected area ba, dapat bang magdevelop ng mga ganitong proyekto? AP: Ang protected areas is dapat, lalung-lalo na iyung sa old growth, hindi na talaga puwedeng galawin. Now iyung may mga secondary growth, ito po ay ang problema po nito is nasa kamay po ng DENR. Hindi po provincial government. So katulad po ng nabanggit ko, ang aming land area is 856,000 plus hectares. Only 24 percent ang alienable and disposable land, meaning pwede malagyan ng titulo. Ngayon po iyung the rest is may problema po sa tenure of instruments so dapat po ito upuan po at tingnan po ng DENR kung paano aayusin. At kung maaari ay bigyan din naman ng pagkakataon iyung local government unit na mag-participate, nang sa ganoon, maging maliwanag sa lahat ang pag-aayos ng problema MM: Gaano kalaki ang population ng Agusan del Sur, mga katutubo, kasi iba-iba ang figure? AP: Lumalabas na 40 percent ng ating 652,000 plus population as of 2010 ang katutubo. MM: So 40 percent ... mga 240,000 ang inyong katutubo. Kayo ang pinakamalaking host ng katutubo community sa province? AP: Malaki kasi magkakadikit iyan: Bukidnon, Compostela Valley, Surigao del Sur. Mayroon pa kami dito sa Misamis area and Agusan del Norte ... paikot-ikot, palipat-lipat din po kasi sila. Iyun po ang isa sa problema na dapat talagang bigyan ng pansin, hindi lamang ng lokal, kung hindi sana po magkatulungan ng national government, na talagang bigyan sila ng katotohanang development sa pamamagitan ng edukasyon. 1The Manobo project aimed to transform an ancestral Manobo territory into an agricultural production zone. Involved in this project was Francisco “Pedro” Hernandez alias Datu Bunanat, who is an alleged undocumented Manobo datu, and who claimed to own portions of the ancestral Manobo territory.