ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Estado ng batang Pilipino, inalam ng 'Investigative Documentaries'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sabi ng mga eksperto, sa kondisyon ng mga bata masusukat ang estado ng isang bansa. Sa mga kuwento ng Investigative Documentaries tungkol sa mga bata, makikita ang mga seryosong problema ng bansa.  Nariyan ang mga paslit na sa halip na nasa paaralan ay naglulunoy sa mala-kumunoy na mga ilog para mangalakal at kumita. Mayroong kasama sa estadistika ng mga batang di nakakakain nang sapat at maaring di makaabot sa susunod na kaarawan.  Mayroon namang nag-aaral nga, pero araw-araw ay nahaharap sa peligro dahil kailangang languyin ang mga ilog para makarating sa eskuwela. May mga namumulat naman sa hindi disenteng uri ng pamumuhay dahil kahit ang simpleng maayos na palikuran ay wala. Balikan natin ang samut-saring kuwento ng mga batang Pilipino sa pangunguna ng beteranang investigative journalist na si Malou Mangahas sa Investigative Documentaries ngayong Huwebes, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel 11.