ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Investigative Documentaries, susuriin ang family planning ng Thailand


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES Family Planning sa Thailand Date Airing: January 10, 2013 Noong dekada 70, di nagkakalayo ang populasyon ng Pilipinas at Thailand. Wala pang 30 million ang mamamayan ng parehong bansa noon. Pero makalipas ang apat na dekada, mabilis na dumami ang mga Pilipino na aabot na sa higit one hundred million noong 2012. Ang mga Thai, na naging pursigido sa pagpaplano ng pamilya, mahigit sixty seven million ang dami.   Sa pagbisita ng beteranang investigative journalist na si Malou Mangahas sa Thailand, makikita ang napakaayos na sistema ng pangangalaga sa mga ina at sanggol. Isang maayos na health insurance din ang tumitiyak na ang basic na kailangang medikal ay matutugunan ng estado.     Mahigpit na ipinatutupad ang family planning sa bansang ito. Kahit ordinaryong tao, may alam sa tamang paraan ng pagplaplano. May libreng konsultasyon din sa mga doktor ang mga mag asawa para lubos nilang maunawaan ang family planning, natural man o artificial.   Sa episode ng ID ngayong Huwebes, ating aalamin ang sikreto ng Thailand sa maayos na implementasyon ng kanilang mga programa sa reproductive health.   Manood ng Investigative Documentaries kasama si Malou Mangahas ngayong Huwebes, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel 11.