ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Mga Nabuwag na Dinastiya sa Investigative Documentaries
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
NABUWAG NA DINASTIYA
Airing date: May 30, Huwebes, 8:00 PM
GMA News TV

Sa katatapos na eleksion, may mga lumang apelyido na hindi na nanalo.
Nariyan ang mga Payumo na mahigit kalahating siglo nang nasa Bataan. Sa apat na miyembro ng pamilya na tumakbo, wala ni isang pinalad na manalo.
Ang mga Gordon ng Olongapo, limang dekada nang nasa poder. Limang miyembro ng angkan ang tumakbo, kahit isa sa kanila walang nanalo. Ang mga Villafuerte naman ng Camarines Sur sa Bicol, tatlong henerasyon nang hawak ang kapitolyo. Isa lang sa apat na miyembro ng kanilang pamilya ang nakasungkit ng pwesto.
Bigo rin ang mga Garcia ng Cebu na mapanatili ang apelyido nila sa kapitolyo. Dalawa lang sa mga Garcia ang nanalo. Ang mga Fua ng Siquijor, nalagasan din ng posisyon sa probinsiya. Isa lang sa tatlong kumandidato ang nagwagi. Sa Zamboanga, humina rin ang kapangyarihan ng mga Jalosjos. Sa sampung tumakbo, dalawa lang ang pinalad na manalo.
Kahit sa Metro Manila, may mga natalong matagal na sa puwesto. Sa darating na Hulyo, hindi na isang Echiverri ang uupong mayor ng Caloocan City. Ang mga Mathay ng Quezon City, bigo ring makabalik sa politika. Pero sa halos 50 political families sa NCR, 34 ang mananatili sa poder.
Ano ang implikasyon ng pagkatalo ng mga kilalang apelyido?
Manood ng Investigative Documentaries kasama ang beteranang journalist na si Malou Mangahas sa Huwebes, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel 11.

Tags: plug
More Videos
Most Popular