ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Silong' sa Investigative Documentaries
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES: SILONG
Airing date: June 6, 2013, Huwebes, 8:00 PM
Airing date: June 6, 2013, Huwebes, 8:00 PM

Para sa batang si Ivan, hanggang drawing lang ang matinong bahay. Ang katotohanan kasi, sa silong ng tulay ng Del Pan na siya nagkaisip. At kung di magkakaroon ng pagbabago sa buhay nila, dito na rin siya tatanda.
Ilang henerasyon na ng mga pamilya ang nagkaisip, lumaki, nag-asawa, at nagkaroon ng apo sa ilalim ng Del Pan.
Wala silang koryente, maayos na tulugan, labahan, at banyo. Ni hindi nila magawang matulog nang sabay-sabay dahil di sila kasya sa loob ng kanilang bahay. Ang iba ay sa bubong nagpapalipas ng gabi.Nabubuhay ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagbabalat ng bawang pero di ito sapat para sa kanilang pagkain sa araw-araw.
Pero hindi sila kapos sa ambisyon. Sa katunayan, ang anim na taong gulang na si Ivan, iginuguhit sa papel ang pangarap niyang bahay. May pintuan, may mahihigaan, at kasya silang lahat.
Alamin ang kuwento ng mga taong nakatira sa silong ng tulay Del Pan sa Investigative Documentaries kasama ang beteranang journalist na si Malou Mangahas ngayong Huwebes, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel 11.

Tags: plug, investigativedocumentaries
More Videos
Most Popular