ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

T1T1K sa 'Investigative Documentaries'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES: T1T1K
Airing date: June 13, 2013, Huwebes, 8:00 PM


Paano ang takbo ng mundo sa isang taong hindi marunong magbasa, magsulat, at magbilang? Paano magplano sa araw-araw ang isang di marunong magbasa ng orasan?

Tatlong barangay sa Silay, Misamis Oriental ang nagtala ng maraming bilang ng mga di marunong bumasa at sumulat ayon sa Department of Education. Isa sa mga nakatira sa lugar na ito si Nelia, isang ina at may limang anak. Dahil kailangan niyang kumuha ng birth certificate kailan lang, nabago ang kanyang pangalan: ang dating Delia ay naging Nelia. Hindi rin niya alam ang oras at petsa. Pati ang magbilang hindi niya kaya. Pero kahit ganito ang sitwasyon niya, pinipilit niyang gabayan ang anak sa pag-aaral nito.

Para sa 93 taong gulang na si Candelario Rosala, wala nang saysay ang matuto pang bumasa at sumulat. Buong buhay niya ay umikot sa kanilang barangay at sa pagsasaka.

Tinatayang 11 milyong Pilipino ang hindi marunong magbasa at magsulat batay sa datos ng National Statistics Office. 

Alamin ang kuwento ng mga taong namumuhay nang hindi nakakapag-aral nang sapat sa Investigative Documentaries kasama ang beteranang journalist na si Malou Mangahas ngayong Huwebes, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel 11.