Filtered By: Newstv
NewsTV

FULL TRANSCRIPT: Janet Lim-Napoles tells 'Investigative Documentaries': Middle class lang kami




GMA News TV program "Investigative Documentaries" sat down with businesswoman Janet Lim-Napoles, who is now in the hot seat for being the alleged brains behind the P10-billion pork barrel scam. "Investigative Documentaries" host Malou Mangahas asks her questions about her businesses, her feud with family members who turned against her, and the rest of her family coping with the issues surrounding their wealth.

Published below is the full transcript of the interview, including parts that were not aired on television.

Malou Mangahas: Magandang hapon po miss Janet Napoles. Salamat sa pagpapaunlak sa Investigative Documentaries ng interview.

Janet Napoles: Alam kong isang napakamarangal na ano itong station n’yo kaya napaunlakan ko.
 

Malou Mangahas: Salamat po. Umpisahan po natin sa sino si Ms. Janet Napoles? I-kwento n’yo nga po ng kaunti iyong bahagi ng buhay n’yo na saan kayo galing, ano iyong inyong parang pinagdaanan from high school to college para people would get to know you beyond the tag or the label na the pork barrel poster girl.
 
Janet Napoles: Ako po ay anak ni Johnny Co Lim at ang nanay ko ay si Magdalena Luy Lim. Ipinanganak po ako dito sa Manila tapos nung namatay po ang daddy ko, lumipat po kami sa Mindanao tapos doon po kami lumaki. Tapos nung medyo nauso po yung kidnapping doon, doon ho kami may grocery at iyong sa mga drive test, meron ho kaming parang fishing boat, ganoon.
 
So nung meydo nauso ho yung kidnapping eh nasa hit list ho kami noon kaya lumipat ulit kami ng Maynila.
 
Malou Mangahas: Bakit po kayo napunta sa hit list?
 
Janet Napoles: Diba pag mga Chinese doon, iyon ang usong-usong kinikidnap unang-una so hindi na ho namin inantay iyon, lumipat na po kami ng Maynila.
 
Malou Mangahas: Paano naman po nagsimula ang inyong love story kay Mr. Jimmy? 18 years-old lang daw po kayo noon nung nagkita kayo?
 
Janet Napoles: Opo.
 
Malou Mangahas: Paano po nangyari yun?
 
Janet Napoles: Nagkakilala po kami tapos nag-boyfriend kami, tsaka nang series maigsi nalang.
 
Malou Mangahas: Parang officer at gentleman daw po iyon nung magkita kayo sa barko?
 
Janet Napoles: Opo.
 
Malou Mangahas: So ano pong nangyari doon?
 
Janet Napoles: Nagkilala po kami sa barko siguro po nakita niya ako eh mapayat pa ako noon. Siguro nagandahan siya so siguro kami po iyong itinadhana ng isa't-isa so nagkatuluyan po kami at nabiyayaan kami ng apat na magagandang anak at mababait.
 
Malou Mangahas: At lahat po ay graduate na?
 
Janet Napoles: Tatlo po.
 
Malou Mangahas: Isa nalang po ang nag-aaral?
 
Janet Napoles: Opo. Sa awa ng Diyos iyong mga anak po namin ang kayamanan po namin sa aming anak ay matatalino at may takot sa Diyos na hindi po nagda-drugs.
 
Malou Mangahas: Ang usapin po ngayon sa pork barrel and between 2003 to 2007 daw ng mga transactions, before 2003 ano po ba iyong kabuhayan o yung ginagawang for livelihood ng mga Napoles?
 
Janet Napoles: Ako'y isang negosyante at ang asawa ko po ay nasa military nung that time so kahit po siya nasa military, at ako tinutulungan po akong maghanapbuhay. Nag-umpisa ho kami sa simpleng hanapbuhay lang hanggang sa sinuwerte po kami.
 
Napag-aral po namin ang aming mga anak sa mga private school, so nakatira po kami sa Ayala-Alabang. Nag-umpisa po kami unang house po namin sa Laguna tapos nung mag-umpisa kami mga ilang taon po kami doon, mga tatlong taon then lumipat po kami sa Ayala-Alabang. So hindi pa ho iyang mga year na sinasabi niyo, nasa Ayala-Alabang na po kami nakatira ng time na iyan.
 
Malou Mangahas: At ang kabuhayan po ninyo ay nasa JLN Construction
 
Janet Napoles: Opo, meron na rin po kaming construction noon pero ang asawa ko since nasa military siya noon, may nakilala siyang isang kaibigan namin na si Mr. Shaprula na kinonvince siyang mag-invest sa Indonesia, noon noon pa mga 1993 niya kami kinonvince tapos 1994 pinuntahan namin, ‘95 pumayag na kaming mag-start ang negosyo namin doon.
 
Malou Mangahas: At ito iyong nagko-continue hanggang ngayon?
 
Janet Napoles: Opo. So nag-umpisa rin po iyong coal ng asawa ko 1995 so may document naman ho doon pwedeng mapakita po sa inyo at nag-umpisa rin po kami ng maliit na nagdevelop ng subdivision doon. Para pong halimbawa sa Pilipinas, kung ang sentro po ay nasa Makati ang Laguna napaka-mura lang.
 
So doon, dahil may right connection po, doon po kami nag-umpisa. Bumili kami ng mga malalayong lupa sa siyudad so hanggang sa nadevelop po namin, natapos po namin yung 200 hectares so ngayon po may dinedevelop po kaming 650 hectares.
 
Malou Mangahas: At ito po ay parang kayo bilang property owner noon pong 600?
 
Janet Napoles: Corporate po. 60% yung Indonesian, 40% po kami.
 
Malou Mangahas: Masasabi natin na talagang meron namang ugat iyong yaman ng pamilya Napoles dahil sa sarili ninyong pagsisikap?
 
Janet Napoles: Opo at mapapatunayan naman namin yan. Hindi po allegedly, totoo po yan. Talagang pwede po nating puntahan. Mahirap po kasi kung sabihin namin eh kaya inaanyayahan namin kahit kayo po na puntahan po natin at interviewhin niyo po yung mga tao huwag pong manggaling sa amin.
 
Malou Mangahas: Sa ngayon po ma'am, ilan iyong empleyado na nagtatrabaho para sa inyo?
 
Janet Napoles: Sa bahay, sa opisina or saan po?
 
Malou Mangahas: Sa mga enterprises niyo pong iba-iba. So ngayon meron kayong coal mine company pero partnership?
 
Janet Napoles: Ah sa Indonesia po madami.
 
Malou Mangahas: Sa Indonesia marami?
 
Janet Napoles: Marami po kasi mahirap kumuha ng coal opo, madami po.
 
Malou Mangahas: Pero dito sa Pilipinas?
 
Janet Napoles: Sa Pilipinas, ilan lahat? More or less mga sa bawat kumpanya may 30, more or less 30 siguro.
 
Malou Mangahas: So itong JLN group of companies, explain niyo nga. Parang ano ba talaga yung mga iba-ibang specific na sektor o lugar na pinagtatrabahuhan ninyo?
 
Janet Napoles: Kasi iyong JLN ang ano namin diba trading. Pagkatapos bumibili kami halimbawa ng mga lote. Halimbawa iyong lote kung saan yung mura, dine-develop namin pero small hindi naman po kasing laki ng ng Villar ano, maliit ako.
 
Oo, hindi naman po o so nangangarap wala naman hong bayad mangarap diba so nagdedevelop namin na maliliit tapos ibebenta kaya meron kaming hold and development company. Lalong inaanyayahan ko nga kayo na one time punta tayo sa office namin para makita na ito, ito po yung ano.
 
Tapos iyong halimbawa, karamihan iyong isa sa mga sikreto ng business namin eh halimbawa iyong building itatayo palang, siyempre pre-selling bibilhin na ng kumpanya namin yan para pag naging in na ‘yun, mas priority po kami.
 
Malou Mangahas: That's right. Which is the way naman other real companies do it.
 
Janet Napoles: Oo, marami. Marami naman pong ano hindi naman ho ano kaya nakakasakit po talaga pag may allegation na ganoon. Kagaya dati medyo kumita sa stock market din. Iba na marunong din kasing mag-play ng stock market so medyo swerte lang po kasi pinanganak sa year of the dragon.
 
Malou Mangahas: Ah ganoon. Naniniwala ba kayo? Kasi bagay sa inyo ang relihiyon at feng shui. Ano pa yung mga paniwala niyong iba na nag-guide sa business ninyo?
 
Janet Napoles: Basta may takot ka sa Diyos at malapit ka sa kanya hindi ka niya papabayaan.
 
Malou Manghas: Mga isang buwan ng tumatakbo ito pong kwento na ito.
 
Janet Napoles: Opo maga-anniversary na po iyong kwento sa amin. Sa August 12, 1 month na po.
 
Malou Mangahas: Ano po iyong sa panig ninyo iyong admitted facts ninyo nung mga before na alleged largely na kayo ay malaki ang kinalaman sa mga pork barrel funds na ito. Ano po iyong admitado ninyo kunwari umpisahan natin doon sa mga tao, sina Benhur Luy, sila Ms. Suñas, ano iyong admitted sa facts na ito, sila po'y mga empleyado ninyo?
 
Janet Napoles: Si Benhur Luy hindi empleyado, siya po'y parang diba may nakita kayo diyan na parang ano assistant-assistant ko. Si Helen Suñas bestfriend po siya ni Benhur Luy, lagi po siyang nandoon. Napatunayan po yan, nag-file po siya ng complaint dahil siya daw ay empleyado noong hiningian po siya ng labor kung saan ebidensiya niya, hindi niya po napatunayan.
 
Kaya sila po'y mag-bestfriend dalawa ni Benhur. Si Benhur Luy po nasa akin nasa office po.
 
Malou Mangahas: May anim pong whistleblowers sinasabi iyong NBI liban kay Helen at tsaka kay Benhur, may apat pa Arthur Lim etc.
 
Janet Napoles: Yung apat ho na yun, masasagot kita tatay niya, nanay niya, brother niya at sister niya. Yung sister po niya MedTech na nagbabantay ng hospital ni Benhur dalawa pong hospital iyan, isa sa Zamboanga at isa sa Ipil. Yung brother po niya na pinaaral po namin ng seaman tinawag ko po iyong umuwi dito nung malaman ko na si Benhur ay nagnakaw sa opisina.
 
Ang tatay po niyan na nasa bahay nila na may sakit, yun po iyong whistleblower at ang nanay po niya na nag-aalaga ng mga anak ko kaya nga po ako nagtataka papaano po habang nasa retreat si Benhur Luy, itong mga nanay na ito at tatay, kapatid at kapatid, nagkaroon ng kopya ng mga PDAF na yan at isinampa sa NBI.
 
Parang na-puzzled din kami, papaano kung si Benhur po ang whistleblower. That time si Benhur nasa bahay pari, saan ho kumuha ng kopya, tulungan n’yo na rin akong maghanap kung sino ho ang nagbigay sa magulang para kumapit sa NBI. ‘Yun rin ang katanungan sa aming isipan hanggang ngayon. Kung sino po yung guamagamit sa kanila.
 
Malou Mangahas: Pero ang malinaw dito, meron kayong hindi pagkakaunawaan ni Benhur Luy. Saan po nagsimula iyong alitan?
 
Janet Napoles: Nung malaman ko po may pinabibili po akong 300,000 worth sabi ko i-deposit doon sa account ko, hindi niya po na-deposit. Nagamit din niya sa kanyang boyfriend nasa text po iyon sa cellphone niya at tsaka po iyong pinakialaman po niya na yung pera namin sa bangko binack-to-back loan po niya.
 
Malou Mangahas: So yun po ay natanong n’yo na rin kay Benhur nung panahon na siya'y nagre-retreat kanyo?
 
Janet Napoles: May letter po siya. May letter po siyang ebidensiya handwritten po niya, hindi po allegedly. Sinulat po niya at humihingi siya ng kapatawaran at sinulat din po niya kung kanino po niya binigay iyong mga pera na hindi pa ho nalalabas sa media.
 
Pero alam po namin nasa amin po ang letter. Lalabas nalang ho iyon sa takdang panahon.
 
Malou Mangahas: Paano po napasok ang NBI sa usaping ito?
 
Janet Napoles: Eh hindi ko nga rin ho alam eh. Nagulat nalang ho ako nung arestohin bigla ‘yung brother ko. Hindi ko rin ho alam.
 
Malou Mangahas: Sa salang kidnapping daw?
 
Janet Napoles: Opo, kinidnap daw ay si Benhur nasa Magallanes, ang brother ko nasa Pacific Plaza at yan ho ay naipaglaban namin sa DOJ. Three months pong nag-hearing at napatunayan naman po na kami ay walang sala.
 
Malou Mangahas: Pero doon po sa salaysay ni Benhur sa NBI na naiulat na, allegedly marami kayong mga NGOs although nasa SEC records hindi lumalabas iyong pangalan ninyo bilang incorporator. Ano iyong kwento sa mga NGOs na ito? May alam ba kayo doon na dinig niyong ginagawa ni Benhur, ano po iyong eksaktong alam ninyo sa mga NGOs na ito?
 
Janet Napoles: Nung una hindi po namin alam. Ngayon nung lumabas na sa TV, nanonood ‘yung ibang driver namin nagulat nalang po sila at nandoon ‘yung pangalan nila. Isa ho sa mga driver namin na na-interview na rin ho, na-stroke nung makita niya bakit nandoon po yung pangalan niya.
 
So in-interview na namin sila isa-isa lahat. So iba-ibang kwento nagpunta raw po sila kay ano kasi ayaw kong manggaling sa akin kung ano baka sabihin pinilit, binayaran or what so bawat kwento ay isa lang sa mga kwento ang sabi po ng isang driver kinausap daw po siya ni Benhur at sinabi daw kung pwedeng makatulong sa mahihirap.
 
Sabi naman niya bakit hindi? So pinapirma daw po, pirma po niya talaga. Hiningi ang address niya at sinabi ngayon nakakuha daw sila ng project, narinig niya sinabi niya kung sino ang boss ni Benhur, pumunta pa sila sa bangko after noon wala na daw siyang alam kaya nagulat na lang po siya nung makita niya yung pangalan niya sa TV.
 
Isa rin po sa empleyado, hiningi rin po ng nanay niya kung ano din po ang address sa probinsiya kaya yung mag tao na ‘yan sa tingin niyo kung sila'y ginamit ko sa tingin mo manunungkulan pa sila sa akin despite na isusupena ka na ng NBI i-aano ka pa, diba?
 
Malou Mangahas: ‘Yun po bang mga taong yun na nasa korporasyon yung mga NGOs na sinasabi, lahat halos yun ay naninilbihan pa rin sa inyo hanggang ngayon?
 
Janet Napoles: Opo.
 
Malou Mangahas: Liban dito sa pamilya Luy na whistleblower?
 
Janet Napoles: Opo at handa. Nire-ready na rin po lahat ng magdedemanda sila for using their name and for using their family name lahat po pati address nila talaga namang nakakaawa. Ginamit nila sa maling paraan.
 
Malou Mangahas: Sa salaysay ni Benhur meron po siyang sinasabi na ang modus operandi daw, kukunin ang PDAF 70-30 ang hatian. 70 sa congressman o senator. 30% iwi-withdraw at ibibigay sa inyo yung halaga in cash, ano pong masasabi niyo doon?
 
Janet Napoles: Iyan ho ay pawang kasinungalingan. Sinasabi niya ‘yan eh dapat siya ho ang magpatunay. Bigyan nila ng papers, kausapin nila iyong kasi ho madaling magsabi eh, diba? Nasaan nagulat kahit sino naman imposible naman ang isang congressman magpapagamit sa ganoon kalaking porsyento.
 
Papaano na mangyayari sa delivery nila, diba? So wala po kaming alam niyan. Sila hong nakakaalam. Siya ho magpakita ng ebidensiya kasi hindi naman ako pwedeng magsalita on their behalf kasi hindi ko alam.
 
Malou Mangahas: Pero nung binubuo itong mga NGO na ito at itong mga pangalan ng inyong mga empleyado ay nagagamit bilang incorporator, hindi niyo ba naulinigan o napansin na itong mga empleyado niyo ay meron ng niluluto na kalokohan?
 
Janet Napoles: Kasi ganito ho kasi kung makakapunta po kayo sa opisina namin, nasa kabilang department po sila diba? So nasa kabila, eh siyempre pagpunta sabi nga nila ang dapat na pangalan ng opisina ko ay DSWD kasi 60% ng time ko po sa outreach.
 
Iyon ho yung ano so pagpunta doon tatanungin ko anong nangyari, anong pipirmahan. Ganoon kasi sobrang tiwala nga ho eh diba pero nagtataka lang din ho ako na lagi niyang kasama yung mga ka-negosyo niya, akala ko naman yung sa simbahan, sa church so hindi ko ho alam na may ginagawa silang ganyan.
 
Siguro iyon ho ang naging kasalanan ko naging pabaya ako sa opisina hindi ako naging istrikto. Hindi ko titignan kung anong ginagawa nila sa computer diba pero siya mahilig siyang mag-half day dahil ang sabi niya nagni-neo cathecism sila. Mahilig ho siyang hindi pumasok ng Friday at Monday kasi nga daw ho naga-outreach sila sa mga bundok bundok.
 
Pero nung makita namin iyong cellphone niya doon ho namin nalaman lahat ng kasinungalingan at lahat po ng person involved.
 
Malou Mangahas: Persons involved na wala pang lumalabas na pangalan sa ngayon?
 
Janet Napoles: Opo siyempre natakot siguro siya sabihin kasi once na sinabi niya iyon hindi na po allegedly kasi may ebidensiya pero hinanda na po ng abogado namin iyon pag may proper quorum kasi ayaw naman ho naming manira sa TV, sa radio, sa written na ganyan.
 
Kasi after noon, wala na diba. Sisirain mo yung dangal ng isang tao na wala namang ano pero ebidensiya hong ginather namin noong nagkaroon po ng investigation, doon po namin ilalabas kung sino yung mga taong involved.
 
Malou Mangahas: May eksaktong allegation si Benhur, describing your place, your homes at tsaka yun daw pong bathtub sa bahay niyo na puno ng pera. Meron bang ganoong bathtub?
 
Janet Napoles: Nung nabasa nga ho namin iyong bathtub na may pera lahat po kami nagtakbuhan. Opo, may kapitbahay din akong isa na tinignan niya yung bathtub niya. Siguro kung ang isang tao may pera, imposible naman ho sa bathtub itatago yung pera.
 
Napaka ano diba, napaka I don't know how to describe na bakit naman of all bathtub, diba? So natatawa nga pati mga ibang katulong ko pero honestly ginawa naming katuwaan nagtakbuhan kami sa bathtub so hanggang ngayon nagwi-wish kami na may lumabas sa bathtub, sana ho magkatotoo.
 
Malou Mangahas: Minsan naman daw nasa ilalim ng unan niyo o sa kama daw nakatago yung mga pera?
 
Janet Napoles: Ilalim ng unan, eh di kaunti lang iyon pag ilalim ng unan. Hindi ho kasya yung 10 billion doon sa ilalim ng unan, diba? Diyos ko ang nasa ilalim ho ng unan ko, rosary ko dahil opo hindi po pera.
 
Malou Mangahas: Kung titignan niyo po yung mga NGOs na naididikit sa pangalan ninyo pero kahit hindi kayo listado bilang incorporator, eh puro naman ho palugi o walang pera. Ito ba'y nasilip ninyo yung mga NGOs na sinasabi eh puro naman in the red o walang kwarta o walang perang natitira yung mga financial statements?
 
Janet Napoles: Kasi actually,  nito lang nagpakuha si attorney sabi niya kunin mo. Kasi para sa akin eh anong pakialam ko hindi naman sa amin eh di pag nag-imbestigahan sabi lang ni attorney sa akin, Attorney Kapunan na pumunta ka sa SEC pakuha mo lahat, nagpakuha rin siya sa lawyer niya doon palang namin nakita.  So hindi ko alam yan kung ano yung mga pera.
 
Malou Mangahas: Doon ho sa dalawampu o sabi ng iba tatlumpung mga NGOs nadidikit sa inyo, ni isa po ba doon wala kayong sariling binuo o kayo mismo ang incorporator o stockholder?
 
Janet Napoles: Wala po. Ang meron po kami yung sa mommy ko, Magdalen Luy Lim Foundation. Iyan po ay naka-address sa bahay namin, totoo po kasi doon po nakatira ang nanay ko noong ang nanay ko ay naging active sa palugaw sa Quiapo sa amin po ‘yun. Tawid-gutom ang tawag doon sabi ng nanay ko magtayo tayo ng foundation kasi yung mga nagtatrabaho galing sa probinsya na walang makain kahit papaano makapag tawid-gutom.
 
Kaya hindi naman kailangan ng nanay kong maglagay ng opisina so sa bahay niya dahil doon siya, iyon ho, meron po kami Magdalena Luy Lim Foundation. Tumutulong po sa mga taong tawid-gutom sa Quiapo.
 
Malou Mangahas: Pero noon pong 2009, 2010, 2012, nag-file kayo ng affidavit of non-operation?
 
Janet Napoles: Opo kasi po yung Magdalena Luy Lim Foundation, napalitan po ng Divine Mercy Foundation so naging iba po yung adhikain na tumulong sa mga pari para sa China kasi yung panawagan po ni Pope John Paul na dalhin yung Catholic sa iyong diba, sa Kristiyano sa ano, iyon po ang ginawa kaya naging non-profit.
 
Malou Mangahas: Ngayon, punta po tayo doon sa mga ilan ding nasabit, mga taong gobyerno na sinasabi. Si Ms. Agawin po ba ay kilala ninyo?
 
Janet Napoles: Ay hindi po.
 
Malou Mangahas: Talaga pong ni minsan ay hindi kayo nagkita or nagkakwentuhan?
 
Janet Napoles: Hindi po. Hindi po. Dati sana ia-approach namin siya ni sister yung sa ano, yung sa Silang, Cavite. Hihingi sana kami ng bigas para doon sa mga street children namin eh hindi ata pwede. Sana bibili kami sa NFA para mas mura-mura eh hindi yata pwede.
 
Malou Mangahas: So si Assistant Secretary Agawin po ay nalipat na ng trabaho ni Secretary Alcala nito lang Linggo at ang sabi hindi na daw siya makikipag-harap sa mga NGOs. Meron siyang isang comment sa mga news reports na minsan daw kayo'y nakipag-kwentuhan sa kanya pa at tinanong niyo daw, ‘O kamusta ka na.’ at magkakilala daw kayo. Iyon yung pahiwatig, mali po ba yun o tama yun?
 
Janet Napoles: Wala, wala kong matandaan na ganoon. Kung ako ay hindi basta ang alam ko lang one time nag-attempt po kaming pumunta ng DA kasama po si sister.
 
Malou Mangahas: Matagal na po ito?
 
Janet Napoles: Opo pero during the time of secretary Alcala na ata. Akala namin baka pwede kaming makabili ng bigas na mas cheaper kasi nagco-consume pa kami ng 10 sacks a day sa bigas sa outreach so syempre kailangan din ho naming humingi ng ano eh nung sinabing hindi pwede, yun lang ho.
 
Malou Mangahas: Yun pong mga trays of pizza and spaghetti ano po ang tingin niyo doon?
 
Janet Napoles: Hindi ho.
 
Malou Mangahas: Na kayo daw ay nagpapadala ng pizza at spaghetti?
 
Janet Napoles: Hindi kaysa ibigay ko naman sa gobyerno. Ibigay ko nalang sa outreach mas marami pong mahirap na nangangailangan ng pagkain.
 
Malou Mangahas: Ito pong mga tao na nasa mga NABCOR at tsaka yung ibang senador at congressmen, ano po yung pagkakakilala niyo at sino exactly yung inyong mga kakilala doon social level, personal level o business level?
 
Janet Napoles: Wala po kaming business level sa mga senator na na-involve. Ang kakilala lang ho ng anak ko na minsan nakaka-attend kami ng party ang anak ni Senator Bong Revilla at ang anak ko magkaibigan po, may mga kanyang ‘yung mga negosyo nila sa sapatos kasi magka-age po sila. So iyon ho iyon.
 
Malou Mangahas: Ito po si Kate, ito pong anak si Jane nasaan?
 
Janet Napoles: No po yung isa po yung lalaki po. Opo. Tapos kay Senator Jinggoy naman ang kakilala yung wife po niya so hindi po si Senator. Si Precy kasi sa Poveda po yung anak niya nag-aaral kaya sa Poveda rin nag-aral.
 
So mabait naman siya, so nung party nung anak niya naimbitahan niya kami once tapos nung nakakita kami ng artista syempre nagpa-picture po kami so nakakahiya namang tanungin sa akin kilala mo, hindi. Parang kagaya ngayon kung magpa-picture ako sayo ma'am, syempre malalagay sa Facebook, uuso pa ang Facebook.
 
Kapag may nagtanong sa akin kakilala, syempre nakakahiyang sabihing kakilala kasi acquaintance lang unless na nagsama na tayong kumain, nagka-anohan na tayo ng buhay natin, yun kasi ang koniconsider kong kakilala.
 
Malou Mangahas: Si Senator Lapid po?
 
Janet Napoles: Ay hindi ho.
 
Malou Mangahas: Ngayon ito pong mga litratong lumalabas sa mga parties, kayo po ba'y naimbita o nagkataon lang na nagkita kayo, yung mga litratong lumabas?
 
Janet Napoles: Kasi opo may lumabas nga po iyong nandoon si Senator Bong, Jinggoy tsaka si Precy. Birthday po ng anak ni Senator Jinggoy si Jean yung anak po nila so nandoon din po yung adopted namin.
 
Malou Mangahas: So walang ibig sabihin iyon o koneksyon dito sa sinasabing pork scam?
 
Janet Napoles: Eh.
 
Malou Mangahas: Ano pong tingin niyo?
 
Janet Napoles: Sabi sila na nga ang nagsabi na wala naman talagang ganon. Sasabihin ko so bahala na po ang taongbayan humusga. Talaga pong wala, kahit sino naman hong tao kapag nakakita ng pulitiko o artista, diba di naman masamang magpa-picture?
 
Malou Mangahas: Dalawampu't walo iyong senador at congressmen na nasabit dito daw sa alleged pork scam na nadidikit yung ilang NGOs na nadidikit sa pangalan ninyo. Kilala niyo po ba yung iba pa doon? Sila Senator Enrile, Senator Sotto, wala po?
 
Janet Napoles: Hindi po. Nagbigay na rin po ata siya ng statement. Hindi pero pagdating ng araw at matapos na ito  we believe naman na lahat ng kwento may katapusan at lalabas ang katotohanan. Lahat po iyan, lahat po ng na-involve diyan nagbabalak po akong magpapasama sa abogado ko.
 
Gusto ko po silang makilala at magpa-picture sa kanila at kahit papaano minsan nadawit sila sa kontrobersiya ng buhay ko.
 
Malou Mangahas: Ang bansag po sa inyo ngayon ay pork barrel scam queen. Ano po bang personal na tingin niyo sa pork barrel? Dapat yata kayong matanong doon yung inyo po bilang mamamayan, silip ninyo sa usaping ito.
 
Janet Napoles: Pork barrel queen scam?
 
Malou Mangahas: Hindi ‘yung bansag pero yung pork barrel mismo kasi mukhang hindi kayo natatanong pa ng inyong personal na silip sa usapin ng pork barrel.
 
Janet Napoles: Eh unang-una hindi ako mambabatas so hindi ko alam kung ano iyon, kung anong gagawin nila. May nagsasabing tanggalin. Nababasa ko sa dyaryo, may nagsasabing eh hindi ko naman alam kung siguro ano ba I don't know how to answer kasi baka mag-comment ako na hindi ako pulitiko pasensya ka na.
 
Malou Mangahas: Iyong pagtulong ng mga NGOs sa gobyerno. Iyong iba naman hindi minamasama iyon talaga namang kailangang tulungan ang gobyerno. Kung kulang ang kanyang tao o network, kayo po ba bilang nagtatrabaho sa ilang outreach, hindi niyo naisip na magtrabaho with government o humingi ng pondo sa gobyerno?
 
Janet Napoles: Hindi po kasi ang pag-ano ko kung gusto mong tumulong. Dapat nanggaling sa bulsa mo kahit kaunti tapos huwag mong ipamalita para ang grasya bumalik sa iyo kasi ho gusto ko lang hong makatulong kahit sa konting pamaraan. Kagaya po ng sa Cagayan de Oro may nag-ano nung wala na pong camerang pumupunta, pumunta po kami buong pamilya naming.
 
Kaysa ibili lang namin ng luho, doon namin ho ibinigay so parang ganoon. Hindi kasi kami ma-showbiz. Kasi ang sabi po ng nanay ko, kapag namigay ka anak at hindi mo ipinamalita may grasyang babalik sayo, yun po ang pinanghahawakan ng pamilya ko.
 
Malou Mangahas: Gayunman parang nakita ko na parang at ang kwento may misa sa inyong kumpanya tuwing first Wednesday lalo na, pero parang may mga huling larawan o picture na nakikita sa pamilya niyo unfortunately involves one of your daughters na si Jean na parang bonggang-bongga iyong lifestyle, ano po ang naging impact sa pamilya noon? Kayo na bilang nanay, kaya ba ni Jean yung ganoong parang mga lifestyle or medyo patas, hindi patas, mali o tama yung mga ganoong pahiwatig ng mga litrato na yun?
 
Janet Napoles: Kasi kung galing po sa illegal ang pera namin, siguro nung ganoon ang anak ko sasabihin ko huwag niyong ilalabas iyan dahil ninakaw lang natin iyong pera diba? So since nakita namin na sa malinis na pamaraan naman, naghahanapbuhay naman kaming mag-asawa, kumakayod kami, maaga pa nagigising na kami diba?
 
Talagang kung ano lang kagaya kay Jean ko nasa fashion siya. Kahit mura o mahal na damit kaya niyang i-fashion, may ganoong klaseng tao eh diba. Tapos naging scholar din siya ng school niya, may ginastos din kami hindi naman lahat.
 
So since honor student siya, may ano siya tapos iyong kapag ginamit niya hindi naman lahat iyon may bayad. Meron din kaming binibili. I mean, passion niya iyon eh pero ako, ako ito I'm a rugged person, ito na iyon. Ito na ang personality ko. May kani-kaniya kasi tayo eh diba?
 
So siguro nakita lang nila sa anak kong fashionista kaya nga ho ang para naman hong factory yung ano niya into fashion. Ngayon nga ho ang negosyo niya into mga clothing eh kasi iyon ang hilig niya. I don't know bakit binibigyan po ng masamang ang mga tao.
 
Malou Mangahas: At siya po ay may sariling trabaho at negosyo ngayon?
 
Janet Napoles: Opo.
 
Malou Mangahas: And could afford it?
 
Janet Napoles: Opo why not? Oo.
 
Malou Mangahas: Hindi dahil sustento sa kay mama o kay papa?
 
Janet Napoles: Hindi ho at tsaka medyo alam niyo sa totoo lang dapat kasi iyong mga anak natin nung bagong silang palang kinunan natin ng insurance para kapag umabot sila sa edad nilang tama, isa iyon sa magiging kapital nila. Iyon po ng secret ng buhay namin.
 
Malou Mangahas: Yung sa ibang anak ninyo na parang nasabit kayo ngayon ng isang buwang pinag-uusapan ang Napoles family, ano iyong naging impact sa pamilya? Sigurado?
 
Janet Napoles: Nung una ho syempre for the first time halos para kaming nabagsakan ng langit at lupa. Ano ito? Bakit ito? Hanggang to the extent na hinabol ko iyong reporter na kunin iyong side namin, diba.  Pero nung kalaunan paulit-ulit and yet marami kaming kaibigang nagsasabi, “Huwag kang mag-alala lalabas ang katotohanan,” diba? So nito pinagdarasal nalang ho namin. Dati talagang umiiyak, nasasaktan, pero nakakatuwa na may sudden sasabihin nito iba, lalabas iba so hindi na rin ho namin alam kung anong totoo. Sana po matapos na yung investigation. mahatulan na yung mahatulan.
 
Malou Mangahas: Sa nangyayari po parang dalawang level kayo nalilitis, ano po? Sa public opinion ay parang maanghang at tsaka medyo may pagkakutya ang taongbayan sa nangyayari. Sa legal front, ano ho iyong wala pa ho talaga naman kayong kasong na-convict kayo, hindi pa ho tapos, hindi pa nasisimulan, ano po iyong status? Kayo ba'y naimbestigahan na ng NBI o napatawag para hingin ang inyong panig?
 
Janet Napoles: Wala pa po. Inuuna ho ata nila lahat iyong mga nagsasabing allegedly lahat kasi sila iyong may alam, inuna po sila. So after noon siguro lahat tsaka po kami tatawagin para magkaroon ng desisyon. Maaaring ganoon po pero ready naman anytime ho baka padalhan kami ng subpoena, imbitahin kamo, ready naman po kami kung ano. Ayaw po namin silang pangunahan syempre po.
 
Malou Mangahas: Pero NBI po ang nag-rescue kay Benhur Luy at kung NBI ang magi-investigate nito, ano po yung inaasahan ninyo?
 
Janet Napoles: Eh siguro naman ho hindi naman ho papabayaan ni Secretary Leila de Lima na magkaroon ng bahid yung investigation. Eh tapos na ho yun, napatunayan na iyong kay Benhur, ito naman siguro magiging yung katotohanan lalabas.
 
Malou Mangahas: Iyong katotohanan na iyon, sa inyong panig ano ba yung mga contested facts sa tingin ninyo, iyong hindi sa tingin niyo tama na sinabi ni Benhur o ang panig ninyo ay hindi narinig. Ano po iyong mga pangunahing kasinungalingang maituturing?
 
Janet Napoles: Ang kasinungalingan maituturing hindi niya sinasabi kung sino talaga yung kagrupo niyang totoo.
 
Malou Mangahas: Sino po iyong mga kagrupong iyon?
 
Janet Napoles: Eh nasa lawyer na ho eh. Tapos kasi kung sasabihin niya iyon, masisira ang grupo nila, diba? So ito lang ho ang panawagan ko sa taongbayan, kung ako po'y nagnakaw ng 10 billion at merong 510 million noong hinihingian ako ni Attorney Levi Baligod sa Shangrila ng 300 million ay hindi na ako nagdali-dali kung ako po ay may kalokohan.
 
Kasi iyon na iyong kumuha ako ng 300 million, ito na tumahimik na kayo. The mere fact na nagulat ako at inaway ko siya, hindi ko ho makalimutan ang sinabi niya, kapag hindi mo kami binigyan ma'am ng pera alam ko may minana ka sa magulang mo, kumita yung coal niyo sa Indonesia, sabi niya dudurugin namin kayo sa media, sisirain namin kayo.
 
Malou Mangahas: So sa pahiwatig niyo pong iyan para itong extortion alleged ni Mr. Baligod at itong mga affidavit o mga salaysay ng mga whistleblowers, sa kanila lang ho ba itong plano o meron pang ibang taong nasa paligid nila?
 
Janet Napoles: Siguro sa umpisa sa kanila ito. Tapos nitong lumaki na, madami na pong sumawsaw na ano, nung umpisa sila lang po.
 
Malou Mangahas: Ano po iyong point, bakit kayo?
 
Janet Napoles: Hindi ko rin po alam. I don't know bakit ako.
 
Malou Mangahas: Kasi kung sakali man na sabihin na nating although walang pagsusuma kung saan galing yung 10 billion pesos ano po, eh ang pork barrel taon-taon eh mga 25 billion pesos. Ibig sabihin kung yung pito, apat na taong sinasabi na opo eh di lagpas lagpas po iyon. Mga 100, 200 billion pesos, may iba pa na maaaring kumita, bakit po kayo ang nasi-single out?
 
Janet Napoles: Siguro ginamit nila iyong allegation ni Benhur so si Benhur lang din ho ang makakapagsabi niyan. Oo, siya lang ho lahat ang mag-aano, hindi ko alam papano.
 
Malou Mangahas: So kung nagsimula ito sa parang binack-to-back loan ni Benhur iyong inyong pera at nagbuo ng mga NGOs, nag-extorsion allegedly itong si attorney, hindi ho ba ito parang nangyayari, away ng partihan lang ng pera?
 
Janet Napoles: Si Benhur ho nung ninakaw niya iyong pera namin sa bangko eh iyon ang unang away so sabi nga ko sa inyo, mga magulang nagsampa ng demanda so baka may gumamit na ibang grupo para gamitin iyong mga magulang niya, diba?
 
Ngayon, si Baligod nung nakausap na niya iyong mga magulang ni Benhur, siguro nakita naman na may kaunti kaming ipon, iyon ho ang sinamantala niya na ano. Sa akin po hindi allegedly, totoo pong hiningian niya ako ng pera, alam po niya iyan. Humingi siya ng investor's visa para sa lima. Humingi siya ng 1.5 million dollar that's Holy Thursday, dapat by after Easter Sunday maglabas na po kami ng pera at magbenta kami kung ano at mangutang ako.
 
Malou Mangahas: Kung sakali po iyong lahat ng inyong sinasabi ngayon kaya niyong ipapurbahan sa korte?
 
Janet Napoles: Opo
 
Malou Mangahas: Documentary evidence?
 
Janet Napoles: Opo.
 
Malou Mangahas: At alam po iyan nila Attorney at nila Benhur?
 
Janet Napoles: Alam nila. Opo.
 
Malou Mangahas: Gayunman, kung halimbawa hong si Benhur naman?
 
Janet Napoles: Si Benhur po maaaring hindi niya alam kasi ang nakipagkita lang po sa akin sa Shangrila si Attorney Levi Baligod, hindi po si Benhur.
 
Malou Mangahas: Eh kung ganoon ho parang ang mangyayari parang si Benhur eh ano ito, nagamit o inosente lang dito sa mga pangyayaring ito?
 
Janet Napoles: Hindi ko ho masabi, maaaring posible pero hindi ko alam. Bahala na ang taongbayan. Mukhang siya nga ang maraming alam eh, si Attorney Levi Baligod. Halimbawa may ime-mention siyang tatlong senador tapos kinabukasan babawiin niya, hindi diba? Parang kapag malakas sa kanya pwedeng i-clear ang pangalan.
 
Malou Mangahas: So hindi ho posible na ganito kalaking operations kasi ang lalabas ho napaglalangan ng NBI. Maaring napaglalangan ng Department of Justice at maaaring pati mga whistleblowers ay napaglalangan? Ganoon po ba yung nangyayari?
 
Janet Napoles: Kaya nakikiusap din po sana ako na kung pwede habang iniimbestigahan ako, i-dip din sana who is Attorney Levi Baligod at kung kanino pa siya may galit na mga pulitiko na ako ang ginagamit niya, diba. Marami po siyang inamin sa akin na galit siya sa pulitiko hindi ko po alam na may mga politics involved siya doon kasi parang chief of staff siya ng isang governor at malakas siya sa Malacañang so sana sa panawagan kong ito, tutal naimbestigahan na ako lahat-lahat ano, nakikiusap ako maging sa print o sa ano, i-deeper who is Attorney Levi Baligod.
 
Malou Mangahas: Kasi ang kabila ho noon ang bwelta sa inyo ay kung ano-ano ng haka-haka. Pwede daw kayong kasuhan ng plunder, pwede kayong kasuhan na ng nag-fixer kayo ng PDAF, pwede kayong kasuhan ng tax evasion, ito po ba'y mga handa kayong harapin?
 
Janet Napoles: Opo, sinabi na rin ho ng abogado namin yan. Lahat ho, diba. Mas mabuti pa nga ho may ganon eh, investigation kaysa trial by publicity, kawawa naman kami, wala naman kaming ibabayad sa internet, yung mag ganyan.
 
Malou Mangahas: Iyong anonymous, sino po ba si anonymous?
 
Janet Napoles: Eh malapit na rin ho malaman yan kung sino si anonymous, diba.
 
Malou Mangahas: Kasi iyon pong allegation niya doon ay medyo talagang matitindi. Una, iyong detalye very graphic about ano yung kotse niyo, property niyo, ano ang hitsura ng inyong opisina.
 
Janet Napoles: Iyong sasakyan diba binanggit ni Benhur, siguro para lang malaman ng tao na iyon iyong dinala daw siya dito, dito, dito, dito talagang risk para sa amin iyon at nakakatakot para sa bahay namin so ang isinulat niya bahay ko, bahay ng kapatid ko para lang masabi niya na ito.
 
Sasakyan ng mga ganito. May ibang hindi sasakyan namin, sinama na rin niya kaya one time iniinterview ako sa ibang channel, sinabi ko kung ano yung amin kasi ho kung ano iyong amin, nilagay ho namin sa amin.
 
Malou Mangahas: Eh iyong mga naugnay doon pati si Secretary Mar Roxas, pati iyong mga may pinsan daw siya dito kay Anonymous po ito ho. Hindi po sinasabing totoo na pero nakalabas sa internet, ano ho iyon may kaugnayan ba kayo talaga sa pinsan ni Seretary Mar?
 
Janet Napoles: Alam niyo ho ininterview lang ako ni Ma'am Korina tapos biglang na para bang parang ikaw once na-interview mo at nilathala mo ito, mag-ingat na rin kayo kay Attorney Levi Baligod kasi ganon ang ano niya. Once na hindi niya naging kakampi, parang masama na kaagad. Kaya siguro yung iba, i don't know bakit ganon nangyayari sa kanya.
 
Malou Mangahas: Liban po dito, wala kayong engkwentro noon ni Attorney Levi?
 
Janet Napoles: Wala po.
 
Malou Mangahas: Wala kayong pinag-awayan, pinagka- di pinagkasunduan? Hindi niyo siya kilala?
 
Janet Napoles: Hindi ko po siya kilala.
 
Malou Mangahas: Na-check out niyo ho ang background niya?
 
Janet Napoles: Ah medyo nasa lawyer na po namin.
 
Malou Mangahas: Ah ganon, taga saan po siya, ano daw ang kanyang ano?
 
Janet Napoles: Dati ata siyang staff ni Governor Lara.
 
Malou Mangahas: Ng Cagayan?
 
Janet Napoles:  Opo. Doon ho ang mga away ng pulitiko, kayo nalang po ang mag-ano doon kung ano ang nasa likod niya.
 
Malou Mangahas: Ngayon doon po dito sa mga nangyaring ito, ano iyong tingin ninyo talagang parang magiging ending nito? Ano iyong mangyayari kay Ms. Janet Napoles at sa pamilya ninyo?
 
Janet Napoles: Ang sabi nga ng Diyos, kumapit ka. God will make a way, we believe in God. Kung nandoon ka sa simbahan kanina iyon po ang theme song ng family naming. Simple lang kasi kaming pamilya eh, kung sa iba feeling nila marangya kami ito na iyon, ito na iyong buhay namin, ito na iyong ano, diba. So nothing is impossible. We believe in God.
 
Malou Mangahas: Ang parang lalabas ho kasi walang dokumento na nag-uugnay directly sa inyo except testimonial nitong mga whistleblowers daw. Pwedeng sa kaso sa korte eh parang makalusot katulad din ng mga senador at congressmen na walang pinirmahan ano po pero ito po ba'y parang tipong problema ng evidence lang against you o talaga hong sa tingin niyo ay kaya ninyo ang sarili niyong ebidensiya i-challenge din ang katotohanan na sinasabi?
 
Janet Napoles: Ang katotohanan ho lalabas, iyong abogado namin lahat kami dahil alam namin wala ho kaming involvement diyan.
 
Malou Mangahas: Ang resulta po nitong mga pangyayari itong ngayon, ano sa personal, safety, lifestyle niyo, iyong pagikot-ikot, how is it affecting you?
 
Janet Napoles: Eh nakakatakot kasi akala ng tao ganoon kalaki ang pera namin, diba? Kaya nga Diyos nalang ho ang kinakapitan namin at sana wala naman kaming mga security na pwedeng mag-ano sa amin diba so sana patnubayan kami ng Panginoon at huwag kaming pababayaan. Kasi talagang napakarisk kasi biruin mo may pera ka sa bath tub eh. Eh kung yung mayayaman pa nga sa amin nasa bangko eh kami nasa bathtub eh di sana sa Forbes na nga kami.
 
Malou Mangahas: Hindi pa no?
 
Janet Napoles: Sana how I wish.
 
Malou Mangahas: Pero ma'am iyong parang problema natin dito sa media at sa online community eh medyo parang mahirap sa lagim iyong galit ng mga tao sa pork barrel hindi necessarily sa inyo although kayo po kasi iyong nadidikit na pinaka-picture ng problema, alin po iyong tingin ninyong paraan kasi nag-libel kayo ngayon sa ilang mga media agencies, ano po iyong nasisilip ninyong medyo patas na pagsalaysay nitong mga kwentong ito sa inyong panig? Meron bang pag-asa?
 
Janet Napoles: Sana kung kagaya sa Rappler may tweet po si founder of rappler na kailangan i-investigate muna before you post so iyon ho iyong pinapanawagan namin siguro kung yung Facebook niya lalo. So kami naman kaya naman kami nag-file ng ano para lang manawagan hoy sobra na kunin mo naman yung side namin, diba?
 
Bago naman tapos may pinost naman ngayon ang Rappler na iyong kaso daw ng Kevlar helmet ang kasalanan ko lang ho namin may lending kami so yung nakautang sa amin natural yung cheke ibibigay sa amin.
 
Malou Mangahas: Yung kontratista ang nangutang sa inyo?
 
Janet Napoles: Oo at napatunayan ho namin iyan diba? Maliit lang po yun 3 point something eh may pulitika rin hong nakatalikod doon. May mga media involved din doon pero tapos na iyon iyong kaso na iyon at napatunayan naman na yung lending namin tapos lahat.
 
Parang nilalagay na naman no eh karapatan ho nila iyon, sana lang huwag mangyari sa kanila.
 
Malou Mangahas: Iyon hong mga heneral na nauugnay dito sa inyong mister dahil dati siya daw rebel soldier, meron ho bang back story pa iyon iyong pakikipagkaibigan kay Senator Gringo, kay General Espiron, wala po? Ano po iyong ano doon, meron bang ugnayan iyon na dapat ipaliwanag o friendship lang iyon na personal?
 
Janet Napoles: Hindi ko alam kay Senator Gringo, hindi ko alam iyong sa husband ko na ano pero iyong si General Espiron kasi nasa balita siya ngayon opo, may sinabi kayo kaninang pagpapaliwanag.
 
Si Genereal Espiron nung mag-retire siya eh di syempre nagka-ano sila ng asawa ko marami pong ibang general diyan so they're looking for a business so since nasa negosyo na po kami, nilapitan nila po kami so sabi namin, sige kung gusto niyo magtayo tayo ng coal ano dito para kung may buyer, kukuha sa Indonesia, dadalhin dito.
 
Unfortunately, hindi makapasok-pasok dito. Ngayon may pinopost po siya na magba-ban kami ng 7.5 million dollar, maglo-loan kami sa bangko pero syempre sa isang negosyo bago ka naman magkita na mag-aano titignan mo muna ang feasibility study, kung wala namang kita bakit ka maglo-loan? Hindi ka makakabayad ng interes.
 
So nung syempre Chinese kami to business eh dapat titignan mo lahat ng angle so nung ang asawa ko noon after 2 years sabi ni Sir aalis nalang daw siya, magtatayo siya ng sarili niya kaya kahit noon pa interview sa amin kay attorney, kina whoever nag-interview sa amin ang coal po namin sa Pilipinas hindi pa po kami kumikita.
 
Ang coal namin na matagal na iyon po iyong sa ibang bansa kasi dito hangga't maaari ang binibili natin iyong low-grade eh ang aming coal po high-grade.
 
Malou Mangahas: Ma'am iyon pong ifo-focus ko nalang ho iyong mga focusing questions so iyong social development program for Farmers Foundation Incorporated, may kaugnayan kayo rito? Ito po iyong dalawang kumpanya na sabi ni Secretary Alcala ay nagkaroon ng social development program ng for Farmers Foundation at Masaganang Ani para sa Magsasaka Foundation na nakakuha ng PDAF funds through NABCOR yung National AGriculture
 
Janet Napoles: NABCOR?
 
Malou Mangahas: NABCOR, NABCOR. GOCC po ito ng DA tapos meron daw ho sa SEC records kasi tinignan namin po iyong chairman of the board ng GALN si Mr. Jimmy noon pong May 9 2013 pero noon pong May 10 parehong araw pinalitan the next day, nandoon po kasi kayo doon sa unang registration.
 
Janet Napoles: Hindi kaya nga ho pumunta kahapon ang SEC nung sinabi kasi ni ma'am kunin niyo lahat ng record niyo. Nagulat kami ganoon kaano yung koneksyon nila ha. Ang alam namin kung ano yung pangalan ng kumpanya biglang asawa ko nalang iba-iba ng pangalan ng mga kaibigan namin.
 
Malou Mangahas: Silang nagpalit noon?
 
Janet Napoles: I don't know kaya kahapon po hindi niyo pa natatanong ‘yan sumulat po yung secretary namin na hindi namin hindi pinalitan pangalan ho ng mga anak namin iyon. Kami-kami pati ako nawala. JLN ho iyon, kami ang may-ari niya, hindi namin kinakahiya iyang pangalan na iyan.
 
Kaya kung titignan po ninyo sa SEC may amended po kami na bakit nagkaroon ng second copy iyon ang ibibigay ko sayo.
 
Malou Mangahas: New officers as of May 10 Filemon Agustin, Cherry Jimea, Menea, nagpalit po eh pero?
 
Janet Napoles: Ang notaryo the same date, meron ba namang ganon?
 
Malou Mangahas: So sino po nagpalit nito? Sila sa inyong pagche-check?
 
Janet Napoles: Siguro para kasi ganito ho iyan sa SEC naman kasi pag mag-submit ka they just stamp it diba? So siguro alam nilang lalabas na itong ganito actually iyon ang isa sa mga idi-discuss ko talaga kay attorney kaya kahapon din po sumulat na iyong anak ko na hindi namin ino-honor ito, ito talaga at walang nag-aano, ganoon po kagaling ang network nila.
 
Malou Mangahas: Pero ito pong Surmine Corporation kay Mr. Jimmy at Jay Congressman Pichay, ano po, ito lang iyong June 20, 2013, ito po iyong bago ninyo na bagong kumpanya pero wala pa ho itong operation?
 
Janet Napoles: Ay wala pa kasing permit pa iyan, mga ano kasi meron na sila before long long time before civilian pa ho iyang si sir kagaya nga si Congressman Pichay yung panawagan niya kung si Jenny nagpi-PDAF, bakit hindi niya ako inapproach? Kaya open ang lahat ng project ko tignan niyo kung meron diyang isa sa mga ano.
 
Malou Mangahas: Sabi ni Congressman Pichay? Ito pong JC World Travel Agency, matagal na po ito?
 
Janet Napoles: Ah oo sa anak ko sana gustong magkaroon ng travel agency eh pero di kami marunong.
 
Malou Mangahas: Ito pong Asia's Starpower Resources eh ito po iyong sinasabi ninyong hindi pa nagte-take off ano po? Pero wala pang 9 million. Itong Jocris Communication?
 
Janet Napoles: Opo, may papasok sana kami ditong iyong mga modern communication from North Carolina pero medyo ayaw nung foreigner kasi medyo hindi kaya iyong?
 
Malou Mangahas: Customs duties?
 
Janet Napoles: Parang ano parang hindi kasi iba sa Amerika, iba sa Philippines, ganoon nalang po.
 
Malou Mangahas: Ito pong HashLab, itong Miscellaneous Entertainment Activities
 
Janet Napoles: Ito po ay sa anak ko pero nagsara na po iyan.
 
Malou Mangahas: Sorry po para lang malinaw lang kung ano iyong mga nasa pangalan ninyo. Ito pong Hashlab nakalagay kasi si JoCristi Napoles tapos si Borgy?
 
Janet Napoles: Opo kasi po ito iyong ano iyong halimbawa meron kang gustong i-advertise tapos iti-tweet. Halimbawa si Vice Ganda binayaran nila tapos magtu-tweet.
 
Malou Mangahas: Okay lang po yun parang ano siya ma'am. Parang ano siya mass tweeting.
 
Janet Napoles: Halimbawa minsan iyong San Miguel, halimbawa iyong San Miguel meron silang gustong text blast oo. Yan yung bayad sa kanila.
 
Malou Mangahas: Criselva Food Corporation, iba po yun
 
Janet Napoles: Will Time Big iyong Willing-Willie iyan yan dati.
 
Malou Mangahas: Ito pong Jimmy Bar Grill and Restaurant
 
Janet Napoles: Ito kasi iyan ganito bakit ako may ganyan, bakit may ganyan, ito kasi iyong mga waiter na natatanggal sa mga hotel, ma'am tulungan niyo naman kami pero off the record naman. Tapos ako kaya love ko sina Nanay Solis ang income ko diyan o pag meron o sige punta na kayo, Christmas Party.
 
Malou Mangahas: Para ipakita lang sa inyo na talagang we tried to cover. Asia Prime Energy Development and Supplies.
 
Janet Napoles: Ah ito iyong mag-aano kami ng energy iyong papasukin namin ito.
 
Malou Mangahas: Pero wala pa ho din itong operation?
 
Janet Napoles: Mahirap mag-ano.
 
Malou Mangahas: Asia Pacific Gun Club, sino po?
 
Janet Napoles: Eh magtatayo po sana ang asawa ko ng Gun ano di naman ano sa Subic.
 
Malou Mangahas: Di naman din natuloy so ito'y mga start-ups karamihan
 
Janet Napoles: Siyempre diba kapag may naisip ka i-ano mo na kaagad diba para kung kelan ka tumake-off baka maunahan ka sa pangalan.
 
Malou Mangahas: Ito pong lucky forgy lending, sarado na po ito?
 
Janet Napoles: Ay ito yan yan yung may utang sa akin yung mga sa Kevlar eh nagkakaso sila nako nainis ako.
 
Malou Mangahas: Yung Kate's Marine Contractors Incorporated 1999, sarado na rin po ito. So ang natitira nalang po ninyo bale JLN Construction at yung nasa Indonesia at yung umpisa palang ng Sur Mines. So masasabi natin kayo ho ba ay upper middle class o nasa 10% tile ng mayayaman na Pilipino, ano po? Ano po yung inyong pakiwari sa inyong para lang maklaro sa mga tao, kayo ba'y bonggang-bonggang mayaman o medyo medyo lang o ganon, ano po?
 
Janet Napoles: Middle lang po. Tama lang po. Tama lang. Tamang makakain ng three times a day, mapag-aral yung mga anak, iyon lang po.
 
Malou Mangahas: So ano ang gusto ninyong hilingin sa kanila matapos nitong imbestigayson sa inyo? Anong gusto niyong mapurbahan tungkol kay Janet Napoles at ano yung gusto niyong maalala nila kung sino kayo kasi ngayon mula doon sa bansag na 10 billion peso pork scam kayo yung artista doon at pangunahing leading actress ano ho, ano sa tingin niyo ang magiging kahihinatnan nito? Ano yung gusto niyo pong mangyari? Mapapatunayan niyo ba lahat ng sinasabi niyo na wala kayong kinalaman doon?
 
Janet Napoles: Opo, opo, opo.
 
Malou Mangahas: Kahit po kunwari ho si Commission FK may sabi may sa BIR naman kayo sisilipin, wala kayong problema sa BIR? So ano sa huli ang gusto niyong maalala ng mga tao sino po si Ms. Janet Napoles?
 
Janet Napoles: Sana pagdating ng araw malaman nila kung ano naman yung kabutihang nagawa ko diba ho at maalala nila ako isang taong tumutulong sa mahirap.
 
Malou Mangahas: So sa madaling sabi dahil dito sa imbestigasyon na ito ano ba tingin niyo nangyari sa inyo? Kayo ba'y napagdiskitahan lang, napagtripan lang, naakusahan ng mali o talagang medyo nabisto?
 
Janet Napoles: Sinusubukan po ang faith namin dahil kami po ay tumutulong sa kaparian. Siguro sinusubukan ng Diyos kung hanggang saan po ang faith namin.
 
Malou Mangahas: At yung mga anak po ninyo at pamilya eh walang duda doon na malalagpasan ninyo ito? So sino yung nasa other side, sino yung prinoject kayo kung sakaling ganon nga naman ang nangyari na bulatlatin ang buhay niyo't akusahan kayo na pork barrel scam queen?
 
Janet Napoles: Malalaman na ho yan sa susunod na kabanata ng ating interview 'pag lumabas na po kung sino ang katotohanan.
 
Malou Mangahas: So anong gusto niyong sabihin sa tao ngayon yung mga nanghuhusga na nako yang si Ms. Janet Napoles?
 
Janet Napoles: Alam n’yo ho madali ang manghusga ngunit ang patunayan napakahirap at nangangako po ako sa inyo pagdating ng araw kung masama man ho ang sinabi niyo, malalaman niyo na hindi po totoo ‘yan. Kaya sa mga tao naman na nagdarasal sa akin, nagpapasalamat po ako. Sa lahat ng nanghuhusga na masama, siguraduhin niyo lang po na…. I love you.
 
Malou Mangahas: Wala kayong takot na talagang may mabibisto?
 
Janet Napoles: Wala po, wala po.
 
Maloun Mangahas: May malalamang mga halagang mali?
 
Janet Napoles: Hindi po ako pwedeng tumingin sa inyo ng eye-to-eye. Ipatawas mo man ako.
 
Malou Mangahas: Sigurado po kayo doon? Focusing lang po ito, kumusta na po yung JLN Corporation? Anong status ngayon medyo ayos ba yung business, medyo may problema?
 
Janet Napoles: Eh siguro hindi ayos dahil pitong buwan na kaming mula nung illegal detention diba ho na-stress kami noon. Brother ko naoperahan ng how many times so medyo nandito kami lagi.
 
Malou Mangahas: Pero breakeven o meron ho kayong kaunting profit, anong status?
 
Janet Napoles: Ah kasi nakagawa naman ng business mula January first quarter. Sana matapos na ito para yung third after sana matapos na para naman makapag-pasko na.
 
Malou Mangahas: ‘Yun hong Jocris Trading, anong taon ba ito nabuo at nabago bilang JLN. Kinonsolidate niyo ba?
 
Janet Napoles: Hindi po. Dapat Jocris trading yung kauna-unahan eh yung counterpart po namin diyan na magsu-supply din kasi more on American product po kami tapos nagpunta pa ng Washington nagpa-accredit, pagdating dito medyo hindi ho nagustuhan yung system natin so sabi hindi na kaya po nawala na.
 
Malou Mangahas: Sabi ni Sunaz, kahit sa Malampaya fund nagmula daw ang pinakamalaki n’yong kita na umabot ng 900 million pesos, kayo ba'y nag-negosyo doon sa Malampaya?
 
Janet Napoles: Ay hindi ho kahit pumunta kayo sa agency na kinakaanuhan niyan, ilang beses na po silang pinuntahan magmula sa secretary lahat ata ininterview na at wala po. Ang alam ko na Malampaya sa Palawan eh, ba't napunta doon?
 
Malou Mangahas: Saan po galing yung lakas ng loob ninyo tsaka yung confidence niyo na malalagpasan niyo ito sa gitna ng mga puna-puna, lahat siguro ng tao eh medyo may opinyon na sa inyo kahit hindi kayo panapakinig ka?
 
Janet Napoles: Ah alam mo pag alam mo naman na hindi mo ginawa diba nagdarasal ka parang kanina sabi ng Diyos tumayo ka magsalita ka eh siguro wala kang takot diba. Isa lang ho takot lang ako sa Diyos, doon lang po kami kaya lahat yan lalabas ang katotohanan
 
Malou Mangahas: Yun pong Facebook account at Twitter ni Jean natanggal na ba, yun po ba'y ginawa o sinuggest?
 
Janet Napoles: Hinack po ang Facebook ng anak ko, pinaglaruan ang anak ko talagang dinurog nila ang pagkakatao ng anak ko sana po huwag din mangyari sa kanila po.
 
Malou Mangahas: Parang tipong ngayon lang kasi kayo talagang humaharap sa media na interview at presscon ano po, medyo ilang linggo din lumipas na parang nanahimik or hindi muna ninyo bingyan ng komento ang mga balita. Bakit po parang suddenly meron kayong parang on the media offensive kayo dahil po ba ito ready na kayo o dahil talagang gusto niyo ring tapatan na yung sinasabi ninyong unfair reporting?
 
 
 
Janet Napoles: Kasi po nagbabasa kami ng kabilang dyaryo iba yung ano tapos within the report na yun iab so tinapos na muna po namin lahat ng ano tapos nung nagsampa na po ng demanda yung abogado namin so ito na po, hinaharap namin ang ano para malabas naman po namin ang side namin.
 
Malou Mangahas: Pero madalang kayong magpa-interview ano po?
 
Janet Napoles: Eh kasi nga anong sasabihin namin, hindi naman kami, hindi naman ugali namin manira ng tao diba?
 
Malou Mangahas: Pero ito pong kasong ito ay parang this might cause you a lot of legal fees dahil astig yung inyong lawyer ano po?
 
Janet Napoles: Ay hindi po.
 
Malou Mangahas: Medyo mahal po yata ang.
 
Janet Napoles: Hindi po kasi po may company lawyer po kami pero sabi ni Bishop Labayan dahil kasama niya si Atty. Kapunan sa kanyang misyon nung nalaman niya sabi niya hanapin mo tong tao na ito syempre pumunta ako kay ma'am.
 
So hindi po tinanggap niya, ni-research muna so nagpasalamat ako after nung ano nung tinanggap nila. Si Bishop Labayan po ang nag-endorse sa akin. Hindi po out of charity po ito.
 
Malou Mangahas: Pro bono po ito?
 
Janet Napoles: Eh kasi po pinaglalaban namin iisa eh. Kaya kagaya po pag sinabi nako Atty. Kapunan mahal yan so diba judgment masyado yung tao, hindi naman, diba? Nakikita ba nilang kabutihang puso ng isang tao, hindi. Sana huwag tayo laging mag-judge.
 
Malou Mangahas: So sa huli po parang pong ma-abolish o hindi ma-abolish ang pork barrel, ano po yung inyong silip doon?
 
Janet Napoles: Ay wala hong pakialam doon. Ano namang pakialam ko sa pork barrel.
 
Malou Mangahas: Bilang mamamayan kasi nga the only big issue that has come out dahil dito sa mga allegations sa inyo unfortunately kayo yung napipinta at nasesentro ng problema eh para ho talagang national outcry against pork barrel.
 
Janet Napoles: Eh di dapat kung dapat i-abolish, i-abolish na nila dahil matagal ng pinaglalaban nila Atty. Kapunan yan, diba na lagi. Sa totoo lang after yung ano pag-open, laging pag-usapan pork barrel, hahanap ng isnag ano sacrificial lamb or barrel nanaman every year diba?
 
Malou Mangahas: Pero yung mga senador, congressmen tingin niyo bay merong mahahatak sa problema na ito as guilty, beneficiary?
 
Janet Napoles: Hindi ko naman sila kasalamuha sa ganyan, hindi ko masasbaing guilty sila o hindi diba.
 
Malou Mangahas: Kung sakali ba kayo ba'y nakapag-kontrata na sa gobyerno o mangunguntrata sa gobyerno?
 
Janet Napoles: Gusto naming mangontrata sana sa energy eh sana kung ano.
 
Malou Mangahas: Pero wala pa kayo ever kontrata sa gobyerno?
 
Janet Napoles: Wala pa po.
 
Malou Mangahas: So kung sakali man itong episode na ito ano yung impact sa inyo? Gusto pa rin ninyo kahit na parang nagka? Tungkol sa energy.
 
Janet Napoles: Gusto namin pasukin sana makapasok kami.
 
Malou Mangahas: Maraming salamat o ano relax kayo. Sabi sa inyo eh.
 
 
— GMA News